Pare-pareho lang kayo

by Sankage Steno

Seryoso, walang pinagkaiba ‘tong mga babae sa mga lalakeng nakakasabay ko sa bus, sa jeep o sa MRT, at nangmamanyak sa ‘kin. Linggo-linggo na lang akong hinihipuan, kinikiskisan ng hita o binti, hinahawakan sa kung saan-saang parte ng katawan, hinihigaan sa braso o balikat, at tinititigan nang malagkit.

Okay lang naman sa ‘kin yung patingin-tingin o pasulyap-sulyap, although nakaka-conscious minsan. Naa-appreciate ko naman yung fact na kaya nila nagagawa ‘yon e dahil attractive ako. Pero goodness! Kaunting privacy naman d’yan, mga mumshie. Wala ba kayong respeto sa sarili n’yo?

Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang kagwapuhan ko. Kapag nasa labas, namamanyak ako. Kapag nasa opisina, tampulan pa rin ako ng atensyon ng mga mahaharot kong officemates. Jusko. Hindi ba pwedeng i-compliment n’yo na lang ako? ‘Wag n’yo nang samahan ng himas o hipo. Nakakasuka.

Hindi naman ako gano’n sa ibang tao. Kapag may nakasabay ako sa jeep o sa bus o sa MRT na gwapo o maganda, hindi ko naman hinihipuan. Titingnan ko lang saglit tapos, tapos na. Hanggang du’n lang. For your eyes only ang rule ko. Walang hipo. Walang dikit. Walang himas. Walang pangmamanyak.

Di naman s’ya mahirap gawin.

Ayoko namang gumawa ng eskandalo sa pampublikong lugar o sa opisina kaya hanggat maaari e pinagpapasensyahan ko na lang, o nira-rant ko sa Facebook o dito sa blog. Kung makakaiwas, umiiwas ako. Pero ang hirap kapag siksikan sa public transport. Kahit sikuhin o iusog ko, namimilit talaga yung mga manyakis.

Ayaw paawat.

Nakakabwisit. Wala naman akong mahingan ng tulong. Pa’no? Sisigaw ako ng “Rape! Rape!” O pupunta ako sa presinto para magsumbong sa pulis at sabihin nabastos ako? Na-violate yung personal space ko? Ang hassle, di ba? Nakakainis. Nasisira ang araw ko dahil sa mga bastos na ‘to.

Kung hindi lang talaga masikip sa mga sasakyan, makikipag-away ako e. Ang problema, stress na nga sa biyahe, dadagdagan ko pa ng stress kapag nakipag-away ako sa mga manyakis na ‘to. Ugh!

Ang hirap maging pogi, seryoso. Mapababae, mapalalake, pare-parehong binabastos ako. Palibahasa, sobrang repressed ng mga sexual desires. Jusmiyo. Mag-Tinder nga kayo o Grindr nang hindi ako ang pinagdidiskitahan n’yo lagi. Panira kayo ng araw. Kantutin n’yo sarili n’yo. Don’t me.

P.S. Hindi ko ititigil ang pagiging pogi dahil sa inyo. Hindi ko kasalanan kung bakit ako namamanyak. Kayo ang may mali dahil kayo ang bastos. Nanyong lahat! I thank you.

Advertisements