Para sa mga non-UP netizens na kinulang sa iodized salt

by Sankage Steno

May dalawang uri lang naman ng netizen sa Pilipinas: yung nag-aral/aaral sa UP at yung galing sa other schools. Let me call the latter ‘others’ for convenience.

Madalas, itong mga others na ‘to ang makukuda at galit na galit sa mga estudyante ng UP na nagpoprotesta o nagra-rally, nagwo-walk out sa klase, tinutuligsa ang mga kagaguhan ng gobyerno, lumalaban para sa karapatang-pantao, at isinusulong ang kapakanan ng sambayanang Pilipino (kasama na yung mga galit sa kanila).

Based on my a priori assumptions about their nature, itong mga others na ‘to ay kinulang sa iodized salt noong lumalaki sila kaya kulang-kulang din ang isip sa pagiging kritikal at mulat. Sila yung sunud-sunuran sa mga pulitiko, pari, panginoong-maylupa at sinumang nakapangyayari. Mga bulag. Mga biktima ng sariling kamangmangan.

Higit sa lahat, hindi nila alam ang kahulugan ng ‘a priori‘. GMG.

Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit mali itong mga others na ‘to sa kanilang pagkamuhi sa mga estudyante ng UP na nagra-rally at nagwo-walk out sa klase. Marami nang gumawa no’n sa Facebook at iba’t ibang blog. Iinsultuhin ko na lang kayo dahil du’n kayo magaling at, feeling ko, ‘yun ang mas maiintindihan n’yo.

TRIVIA: Ang iodized salt ay asin na may halong iodine. Ang kakulangan sa iodine ay nakapagdudulot ng pagkabaldado o pagiging kulang-kulang ng isip. In short, nakakabobo ang iodine deficiency. Kaya isinulong ng DOH noon, sa pamumuno ni Sec. Juan Flavier, ang paggamit ng iodized salt sa pagluluto.

Baka kasi table salt o kosher salt lang ang ginamit ng mga magulang ng others noon kaya naman parang baldado ang kanilang pag-iisip. Di naman malayo yung hypothesis ko sa nangyayari sa kasalukuyan, di ba? Kahit kasi paliwanagan mo sila minsan, di pa rin nila gets. Mumurahin ka pa at iinsultuhin.

Ergo, mga bobo at inutil kayo. That’s why hindi kayo nakapasa sa UP. Kaya puro mga katulad n’yong kinulang sa iodized salt ang binoto ninyo para mamuno sa bansa. Sinong tanga ba naman ang boboto kay Duterte? Kay Bongbong Marcos? Kay Manny Pacquiao? Kay Tito Sotto? Mga tanga talaga.

Kaya kahit anong paliwanag pa ang gawin ko, hindi ninyo maiintidihan na mga others kung bakit lumiliban sa klase ang mga estudyante ng UP para mag-rally. Hindi ninyo mage-gets na kahit maraming activities ang isang UP student sa labas ng classroom ay nakakatapos pa rin sila at may Latin honors pa kung minsan.

Pero hindi pa naman huli ang lahat para sa inyong mga others. Pwede pa kayong tumalino, maging mulat at maging kritikal. Simulan n’yo na ang paggamit ng iodized salt sa halip na regular table salt sa pagluluto. Mura lang naman ‘yon. (‘Wag lang papapakin ang asin, ha?) Malay n’yo, tumalino pa kayo.

Ewan ko nga lang kung papasa pa kayo sa UPCAT. 🙂

Advertisements