Nagsusumixteen

by Sankage Steno

May idea na ‘ko kung bakit lagi akong nababastos o namamanyak sa pampublikong sasakyan. Matagal ko nang alam ‘to e pero mas lumakas yung kutob ko pagkatapos kong makipag-date noong isang gabi at sa tuwing tatanungin ng mga nakakausap ko yung aking edad.

Kapag kasi nakikipag-chat ako sa Grindr o nakikipag-date, pirmis lagi yung tanungan ng age. Kapag sinabi kong 30 years old na ‘ko, almost always nagugulat yung mga kausap ko. Kasi hindi raw ako mukhang 30. Mukha lang daw akong 25 o 22. Ang pinakamalala kong nakuha e mukha raw akong 16 years old.

Hahaha! 16? Hahaha!

Dito na ngayon papasok ang power play. Yes, mumshie, may werpa play pong ganapan sa sexual harassment o simpleng manyakan. Take note, hindi lang bakla o lalake ang nangmamanyak sa ‘kin, pati mga babae. At tingin ko talaga e malaking factor ang pagiging young-looking ng inyong lingkod.

Bakit kamo?

“Power can make you feel less inhibited,” ayon kay Melissa Williams, associate professor sa Emory University’s Goizueta Business School at lead researcher ng isang study na nalathala sa Journal of Personality and Social Psychology. “There are parallels to alcohol. Both make you less constrained by social norms.”

Anong konek kamo? Dahil mukha akong bata, siguro iniisip ng mga manyak na madali nila akong mababastos dahil mas matanda sila, mas experienced at mas may “authority” sa akin. At iyong perception nila ng werpa na ito ang nagpapalakas ng loob nila na manyakin ako nang pailalim in public.

Feeling ko rin, nakakadagdag sa pagiging mukha kong bata yung ginagawa ko kapag nasa pampublikong sasakyan. Madalas kasi, nagbabasa ako ng libro o naglalaro ng game sa smartphone. Baka akala nila e student lang ako o teenager na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Ang hirap maging baby face na pogi. Haist.

“The bad behavior is a defense against being powerless,” sabi naman ni Dr. Kilmartin ng University of Mary Washington.

O, di ba? Mukhang tumpak ang kutob ko. Nadadaan talaga sa werpa ang pangmamanyak. Sige nga, babastusin mo ba yung taong mas mataas sa ‘yo ang posisyon? Hihipuan mo ba yung boss mo? Makikipaglandian ka ba sa mas dominant-looking sa ‘yo? Hindi naman. Matatakot ka, syempre.

So I guess ang dapat kong gawin ay kontrahin ang werpa ng mga loding manyak sa kalsada. Dapat siguro, iparamdam ko sa kanilang wala silang werpa over me. Hindi ko lang alam kung pa’no gagawin ‘yon. Magpapapangit ba ‘ko? Magpapatubo ng bigote at balbas? Magpapalaki ng tiyan? Pwede. But no. Hindi ko papapangitin ang sarili ko.

Just no.

Tigilan n’yo na lang ang kabastusan. May tamang lugar para d’yan. Flirting is fine. Complimenting my looks is fine. ‘Wag lang himas, hipo o galawang hokage. Sa susunod na me mambastos sa ‘kin in public, ipatitikim ko sa kanila ang werpa ng isang tunay na Sankage Steno.

Litrato ni Steno Padilla.

Advertisements