Going on 31

by Sankage Steno

The title of this post refers to two things: first, my age, and second, my waistline.

Ilang beses ko nang naipagyabang dito na mukha pa rin akong nasa 20s kahit magtetrenta’y uno na ‘ko, so hindi ko na s’ya ipangangalandakan sa ngayon. Maybe next time, kapag nag-31 na talaga ako. Ang gusto ko talagang i-focus ngayon e yung lumiliit kong bewang.

Alam n’yo po, talagang nag-eeffort ako ngayong paliitin pa lalo ang tiyan o bewang ko. Hindi ko naman aim talagang magka-six-pack abs pero I’m getting there. May guhit na nga sa gitna yung abdomen ko, nakakatuwa. Baka pagdating ng summer, ipo-post ko na sa social media yung malaengkanto kong abs.

Wuw!

To be honest, hindi ako nagpapapayat para maging yummy. Matagal na kasi akong yummy. Impak, lagi akong napupuyat kasi lagi ring nginig nang nginig yung phone ko sa dami ng messages and taps sa dating app. Tinatagyawat tuloy ako. Pero pogi pa rin naman, in fairness.

Wala ring balik-alindog program na ganap, dahil to begin with, wala namang alindog na umalis. Maalindog pa rin po ang inyong lingkod now and forever.

Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagda-diet at nag-eexercise ay health reasons. Wala naman akong sakit. Pero hihintayin ko pa ba na magkasakit ako bago ako maging health conscious? Syempre hinde. Kaya todo effort ako ngayon sa pagkain nang tama at sapat, at sa pag-eehersisyo.

Hindi rin madali, ha? Sa totoo lang, kaya ko yung diet. Kaya kong magpigil o kontrolin ang kinakain. Ang hirap ako talaga e yung lumabas ng bahay at mag-exercise. Sobrang nakakatamad kasi. Mas gusto ko pang magbasa na lang ng libro o makipag-date sa mga boys ko kesa mag-jogging.

Minsan nga dinadaya ko na lang. Dinadaan ko na lang sa sex kapag ayaw kong tumakbo. Exercise din naman yung pakikipag-sex, bakit ba? Baka nga mas marami pa ‘kong calories na nagagamit do’n kesa sa paglalakad at pagtakbo sa BGC o kung saan man dito sa Makati. Mas enjoy pa. Hihi.

Pero so far, proud ako sa achievement ko. Proud ako dahil malapit nang maging 31 yung sukat ng bewang ko. Kapag naiisip ko pa na 38 inches s’ya nu’ng kabataan ko, lalo akong natutuwa. Can’t wait to see my abs.

Advertisements