Poser Galore

by Sankage Steno

Sa sobrang dami ng poser sa Grindr, ayaw na nilang maniwala na ako yung nasa picture na pinapadala ko. Nakakatawa lang na nakakainis. Dahil ba gwapo ako sa picture at in person, poser na? Nak ng teteng! Nakaka-amuse talaga 5ever ang mga baklang ‘to.

Lagi kasing dalawa yung pinapadala kong larawan, yung may bangs ako na K-Pop ang look at yung walang bangs na chinito naman ang peg. Puro from last year yung photo na pinapadala ko. Hindi naman sila nalalayo sa hitsura ko sa ngayon. Di tulad nila na talagang poser.

Palibhasa kasi hirap maka-score, dinadaan na lang nila sa pag-eedit ng picture. Understandable naman, pero sobra na minsan. Ang dami kong na-meet na okay naman sa picture, pero in person tadtad pala ng pimple o acne sa mukha. Yung iba parang 10 years ago pa yung hitsura. Pinakamalala, hindi talaga sila yung nasa photo na pinadala nila. Bad trip, I swear!

May naka-date nga akong foreigner minsan. A few days ago lang ‘to, at ang una n’yang sinabi sa ‘kin nu’ng kumakain kami ay ito: Filipino gays (on Grindr) are really good at editing photos.

Nag-agree ako, sobra! Dismayado rin si Foreigner dahil madalas nga, puro poser yung nami-meet n’ya. Ako lang daw yung talagang kamukha nu’ng nasa picture na naka-date n’ya. Well, I’m thankful dahil hindi masama ang hitsura ko. Pinaghirapan ko rin naman ang katawan ang mukhang ito nang matagal na panahon.

Syempre, hindi ko naman mapipilit na baguhin ng mga baklang ‘to ang ugali nila. Sabi nga ng isa kong friend, syempre daw ang ibibigay mong photo e yung best-looking ka. May point. Ang sa akin lang, ‘wag naman todo-edit na hindi mo na talaga kamukha yung nasa picture. OA kasi madalas.

Kaya, ayan, napapagkamalan na akong poser ng mga nasa Grindr kahit di pa man nila ako nami-meet in person. Kaloka, di ba? Na-judge agad akong poser kanina dahil lang sa dalawang photo ko na pinadala. E akong-ako naman talaga ‘yon. Di nila matanggap na may honest at gwapong tao pa sa dating app na ‘yan.

Ano ‘to? Pati sa Grindr may post-truth era? Dahil puro “fake news” yung photo, nagka-poser syndrome na yung mga bakla? Ay, iba! Yoko na. Nakakabaliw kayo. Lol.

Joke lang. Tuloy pa rin ang kaligayahan sa Grindr. Gays are sooo interesting.

Advertisements