Ako si Elio. Hahaha!

by Sankage Steno

Ang dami-daming gumagamit ngayon ng pangalang Elio sa Grindr. As if naman kasintalino at kasing-talented nila yung bidang ‘yan sa Call Me By Your Name. Asa! Ni hindi n’yo nga alam ang pagkakaiba ng Clair de Lune sa La Luna Sanggre. Chura n’yo. Joke lang. Ansama ko. Hahaha!

Hindi ko naman pinipigilan ‘tong mga baklang ‘to sa paggamit ng pangalang ‘yan. Ang sa akin lang, baka nagkakamali kayo ng interpretation. Hindi po bottom si Elio, top s’ya. Ang totoong bottom ay si Oliver. So kung bottom ka naman talaga, don’t use Elio kasi nakaka-confuse ka po. Joke lang ulit. Hahaha!

Ang nakakatawa pa sa mga baklang ire, ‘pag tinanong ko sila kung anong masasabi nila sa pelikulang ‘yan, ang isasagot ba naman e wala. Ewan. Kasi, hindi naman nila talaga napanood yung Call Me By Your Name. Poser ampota. Poser na sa picture, poser pa sa panonood. Jusko talaga ‘tong mga baklang ‘to. Hahaha!

Understandable naman kung bakit maraming gumagamit ng pangalang ‘yan. E kase, ito lang yata ulit ang gay film na lumabas since Happy Together, Brokeback Mountain at Love of Siam. Well, yun ay kung di ka masyadong exposed. FYI, marami pang sikat na gay film maliban d’yan na lumabas lately. GMG. Hahaha!

Take for example yung 2 Cool 2 Be 4gotten. O, alam mo ba ‘yon? Local film ‘yan ni Petersen Vargas. Ang bida d’yan e sina Felix, Magnus at Maxim. Google mo kung di mo alam. Puro ka kasi western chenes. Hahaha!

Kung ako sa mga baklang ‘to, mas gagamitin ko yung pangalan na Magnus o Maxim Snyder, o kaya e Felix Salonga, kesa kay Elio. Baka mas i-entertain ko pa sila at pagbigyan sa kama. Hahaha!

Unsolicited advice ko lang naman ‘to sa mga baklang ire. Di naman nila ako susundin kahit pa sabihin ko sa mukha nilang ang korni nila. Poser is life pagdating sa Grindr. Sana lang makahanap ako ng totoong Elio sa app na ‘yan. Yung talented, mahilig magbasa, matalino, matapang, out, at hindi “discreet” at poser. Parang ako. Hahaha!

Image result for elio call me by your name

Advertisements