HOMOSCOPE: Ang Bonggang-bonggang Kapalaran ng mga Bading sa Taong 2018

by Sankage Steno

Aries (March 21 – April 19) – Hindi mo pa mahahanap ang iyong The One ngayong taon, pero mahahanap mo naman ang passion mo in life, which in turn will point you to Mr. Right (at kung gagalingan mo pa, beshie, e pati kay Mr. Left, if you know what I mean). Lucky Color: Magenta. Lucky Number: 3-in-1.

Taurus (April 20 – May 20) – Bawas-bawasan mo ang paggamit ng Grindr. Huwag gabi-gabi (at araw-araw. Kaloka ka, bes!). Baka magka-STI ka niyan. Or worse, baka makuha mo si Aida! Very wrong. Libangin ang sarili sa ibang bagay, huwag puro sa panlalalaki. Try masturbation. Lucky Color: Fuchsia. Lucky Number: 69.

Gemini (May 21 – June 20) – Masturbation is out, masturdating is in! Oo, beshie, tapos na ang mga araw ng iyong pagsasariling-sikap. Mas makabubuti sa iyong buhay-pag-ibig kung lalabas ka at manonood ng sine mag-isa, kakain mag-isa, magsho-shopping mag-isa, atbp. Malay mo, may sumabay sa iyo. Lucky Color: ROYGBIV. Lucky Number: 1.

Cancer (June 21 – July 22) – Tigilan mo na ang kakabasa ng hugot post at kakapanood ng movie na puro hugot ang linya. Magkaka-cancer ka na sa sobra mong pagkaadik sa hugot. Sa halip na humugot nang humugot, mag-ipon ka na lang para may mahugot kang perang pan-date kapag petsa de peligro. Lucky Color: Pink. Lucky Number: 0.50.

Leo (July 23 – August 22) – Kung gusto mong manatili si boyfriend sa iyong poder, siguruhin ang pagiging petmalu mo sa kama. Huwag kang passive masyado. Be proactive! Rawr! Ang hirap kasi sa iyo, taga-receive ka lagi. Give pleasure din paminsan-minsan para masaya si BF. Lucky Color: Gold. Lucky Number: 143.

Virgo (August 23 – September 22) – Ateng, hanggang kelan ka ba aasa sa crush mo na straight? Hindi ka papatulan niyan kahit pa magpa-sex change ka. Move forward na kasi. Kelan mo pa balak isuko iyang Bataan mo? Kapag kulubot at pasas ka na? Hanap na ng iba please. Lucky Color: Scarlet. Lucky Number: imaginary (i).

Libra (September 23 – October 22) – Kung gusto mong gumaan ang iyong nararamdaman, matuto ka dapat sa iyong nakaraang mga relasyon. Kung uulit-ulitin mo lang ang ginagawa mo, paulit-ulit lang din ang makukuha mong resulta. Huwag magpakatanga at magpakamartir masyado. Lucky Color: Violet. Lucky Number: 77.

Scorpio (October 23 – November 21) – Umasta nang naaayon sa kagandahan/kapogian. Kung hindi ka naman yummy, beshie, huwag masyadong choosy at maarte kapag nakikipag-chat sa dating app. Mas makabubuti rin kung pag-iibayuhin pa ang iba mong kakayahan para makabawi. Lucky Color: Aquamarine. Lucky Number: 9.

Sagittarius (November 22 – December 21) – Hindi nasusukat sa haba ng tite ang pagkatao o kakayahan ng isang bakla. Kung puro size lang ng tite ang titignan mo sa lalaki, hindi ka magiging masaya. Pero kung ayaw mo namang sumaya, ituloy mo lang ang pagsiyasat sa haba ng tite. Lucky Color: Brown. Lucky Number: 7in.

Capricorn (December 22 – January 19) – Matutong magsabi ng ‘No’ o ‘Hindi’. May karapatan kang tumanggi kung ayaw mong isubo ang kargada ng iyong ka-date. Hindi rin bawal, beshie, ang umayaw kapag nasasaktan ka na sa walang humpay na pagbayo niya. No means no. Lucky Color: B&W. Lucky Number: 0.

Aquarius (January 20 – February 18) – Madidiligan ka na sa wakas ngayong taon. Siguruhing laging clean (ang etits at ang bum) ang pangangatawan, at huwag kalimutang mag-shave (lalo na parteng iyon, bes). Pakatandaan na cleanliness is next to godliness (oh god, oh god, oh god!). Lucky Color: Flesh. Lucky Number: 3.1415.

Pisces (February 19 – March 20) – There are many fish in the sea, kaya huwag agad magpatali sa isa lalo na kung alam mo namang hindi loyal sa iyo ang kinakasama mo. Ipakita mo sa kanya na hindi lang siya ang may karapatang mamingwit sa malawak na karagatan. Go, gurl! Lucky Color: Cerulean. Lucky Number: 555.

TANDAAN: Wititit mahawak ng mga starlalu ang shoting kapalaran. Gabay-chi lamang silahis. Meron tayiz na Free Willy, gamitin natin itetchiwa. Babushka!

Image result for zodiac sign characters

Advertisements