Komiket

by Sankage Steno

Bago pumunta sa EDSA People Power Monument kagabi, dumaan muna ako sa Centris Elements para suportahan ang kaibigan kong organizer ng event doon at para na rin makakita ng mga bagong talento sa komiks. Du’n kasi ginanap yung Komiket 2018.

Ito ang unang tatlong bagay na tumatak sa akin habang naglilibot ako sa floor:

  1. World-class talaga ang talent ng mga Pinoy pagdating sa visual arts o kahit anong uri pa ng sining. Kapag napupunta ako sa ibang bansa at tinitingnan ang art works nila, I feel proud na mas maganda ang mga obra at mas mahusay ang mga alagad ng sining natin, both professional and amateur.
  2. Ang dami-daming artist! Mapabata man o matanda, nagkalat ang mga (comic/graphic/visual) artist sa bansa. I’m pretty sure na wala pa sa kalingkingan yung dumalo sa Komiket. Sigurado akong marami pa sa ibang panig ng Pilipinas. Nakakalula na nakakatuwa.
  3. Buhay na buhay ang komiks sa bansa. Iisipin mo na laos na ang komiks o di na s’ya bumebenta, pero mali. Maling-mali. Parang yung OPM scene lang. Akala mo walang nangyayari. Well, akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron! At super daming G!

Sa sobrang overwhelmed ko sa ilang oras na pananatili roon, naubos ko yung cash ko sa wallet. Kung di lang talaga ako pupunta sa rally, baka nag-withdraw pa ‘ko at namili ng sangkatutak na art works, zine, graphic novel, at marami pang iba. Kabitin!

Pero syempre, marami rin akong puna sa mga artist natin. I’m no expert pero eto yung tatlong pinakanapansin ko sa mga nakilahok sa Komiket:

  1. Manga! Ang daming artist na inspired ng manga from Japan. Kahit yung mga drawing nila, mga unique characters, parang anime. I’m not saying it’s panget. I’m just saying na, personally, mas maganda sana kung may sarili tayong ‘manga’. Yung very Pinoy. Yung orig!
  2. Maraming magaling mag-drawing pero iilan lang ang magaling magkwento. Sana i-develop din ng mga artist, lalo na yung mga bata, yung kanilang storytelling skills. Pa’no? Magbasa! Magbasa ng nobela, maikling kwento at kahit ibang graphic novel.
  3. Kulang pa! Kulang na kulang pa sa exposure ang mga artist natin. Sana hindi lang sa Komiket sila magpakita ng mga likha. At sana hindi lang sa Maynila ang Komiket. Sana buong bansa na. At sana maglaan ang mga bookstore natin para sa “indie” o local artists. Sayang e. Andaming mahuhusay.

Hindi ko pa tapos basahin yung mga nabili ko kahapon. Pero sana makahanap ako ng artist na pwede kong makapareha o makatulong sa pagbuo ng isang magandang kwento. Siya ang guguhit at ako naman ang susulat ng kwento. May mga nakita naman akong malaki ang potensyal. Di ko lang sure kung swak kami. Sana.

Image result for Komiket

Advertisements