Paano bang maging bobo?

by Sankage Steno

Ano ba ang pakiramdam ng isang taong hindi nakapasa sa UPCAT? Iyong taong hindi kinaya ng utak na makapasok o makapag-transfer man lang sa kahit anong campus ng UP sa buong bansa? Sa totoo lang, hindi ko alam kasi hindi ako maka-relate. Sorry naman. Ikaw, alam mo ba?

Kaya ko lang kasing hulaan kung ano ang nararamdaman nila. Siguro ngayon, dahil nasunog ang Shopping Center kaninang umaga, e masayang-masaya sila. Kasi, di ba, noong mga nagdaang linggo at buwan, galit na galit sila sa mga nagra-rally na estudyante ng UP? Akala naman nila di kayang pagsabayin ng mga Isko at Iska ang academics at social responsibility (pati na rin love life).

Ikaw siguro di mo kaya, pero kami, kayang-kaya namin. Impak, yung mga varsity players sa amin, hindi excused ‘yan sa exam o project o papers. Kung ano yung load ng non-varsity students, gano’n din sa mga may extra-curricular activities. That also applies sa mga may orgs at iba pang pinagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.

E nu’ng nagtuturo ako sa Mapua, ilang beses akong nilapitan ng coach ng basketball team para makiusap na ipasa ko yung mga alaga n’ya. Meron kasi akong estudyante na basketball player. Bagsak talaga s’ya kasi laging absent. Hindi rin naman katalinuhan. Pero, ayon, di ko pa rin pinagbigyan si coach. Binagsak ko pa rin si varsity player.

To be fair kay varsity player ng Mapua, nang pinagsabihan ko s’ya na noong nag-aaral ako sa UP, tatlo ang orgs kong sinasabay sa acads at marami pa ‘kong ibang activities (ie, paglandi) outside sa school pero nakatapos pa rin ako on time at may Latin honors pa, napaintindi ko naman sa kanya. Hindi s’ya nagalit sa ‘kin. Impak, lagi pa rin n’ya ‘kong binabati ‘pag nakakasalubong sa campus.

Sana gano’n ang ugali ng mga hindi nakapasa o piniling hindi mag-aral sa UP, ‘no? Hindi bitter. Hindi pabobo. Hindi shunga-shunga. Yung marunong umintindi sa simpleng paliwanag. Sana lahat sila katulad ng naging estudyante kong varsity player.

E kaso hinde. Marami pa rin ang pinipiling maging bobo at troll. Oh well, that’s social media. Nakaka-curious lang talaga kung ano ang tumatakbo sa isip at kung ano ang pakiramdam ng isang bobo, lalo na kung hindi ka aware na bobo ka. I can only imagine.

Image result for up shopping center

Advertisements