Withdrawal Syndrome

by Sankage Steno

Ang pinakamagandang tanong sa isyu ng pagwi-withdraw ni Duterte sa Rome Statute na lumikha sa International Criminal Court ay hindi “Bakit siya naduwag?” dahil matagal na naman nating alam na duwag ang pangulo ninyo.

Halimbawa na lang, yung isyu sa Spratlys. Sabi ni Duterte noong kampanya na magje-jetski siya sa West Philippine Sea at ituturok doon ang bandila ng Pilipinas. Fast forward to the present, biglang urong siya sa pagkapanalo natin sa arbitration case laban sa China, tapos nagbibiro pa s’yang gawing probinsya tayo ng bansang nagnanakaw ng teritoryo natin.

Isa pa, puro babae lang ang kinakayan-kayanan n’ya, lalo na yung matatapang na babaeng kumokontra sa mga baliko niyang polisiya. Mas may balls pa sa kanya sina Leni Robredo, Leila De Lima, Lourdes Sereno, Agot Isidro, Karen Davila, Pia Hontiveros, Agnes Callamard at marami pang iba.

At ang pinakabago, biglang bawi yung kaso sa mga drug lord na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, et al. E siya pa naman ‘tong galit na galit sa droga, di ba? May pa-My gahd-my gahd pa s’yang nalalaman noong 2016. E puro mahihirap at walang laban lang pala ang kaya n’yang tapusin.

Duwag talaga, di ba?

Kaya di na dapat tinatanong ‘yon. Ang pinakamagandang tanong talaga sa ICC issue ay iyong naisip ni dating pangulong Noynoy Aquino, “Ano ang basehan ng pagwi-withdraw ng pangulo sa ICC?” Which is, in a way, rhetorical in nature. Dahil alam na naman nating lahat, maliban sa mga tangang ka-DDS, kung ano ang basehan ni Duterte.

Malinaw kasi na may pananagutan (at may kasalanan) ang mamamatay-tao at drug lord coddler na ito. Doon pa lang sa Davao City, ang dami na niyang crimes against humanity. Kaya ngayong nasa limelight na ang kapalaluan n’ya, wala na s’yang ligtas sa imbestigasyon.

Tanga nga lang, kasi di n’ya alam na kahit mag-withdraw ka sa ICC, pwede ka pa ring imbestigahan. At di ko alam sa abogadong ‘to kung bakit di n’ya alam na isang taon pa magte-take effect ang withdrawal kapag natanggap na ng ICC ang notification mula sa bansang gustong umalis.

Wala ba ‘syang matalinong adviser? Andu’n naman si Roque. Anyare? Oh well, anong aasahan mo sa isa pang duwag at bayaran. Noong 2011, pinasalamatan pa n’ya si PNoy dahil naging signatory tayo ng Rome Statute, tapos ngayon biglang bawi. Ano na lang kaya ang paliwanag niya gamit ang creative imagination?

Hay, kaumay.

Puro kabobohan at kaduwagan na lang ang nakikita ko sa rehimeng Duterte. Dapat siguro magkaroon na rin ng imbestigasyon para sa crimes against rationality and bravery. Dami kasing nabobo at nabahag ang buntot simula noong 2016. Ang tagal pa kasi ng 2022. Kakainip.

Image result for rome statute

Advertisements