Save the world. Be Single. Be gay.

by Sankage Steno

Narating ko na ang edad kung saan ang mga pagkikita naming magkakaibigan ay sa kaarawan o binyag/dedication ng anak nila. Patapos na ang phase kung saan ang mga dinadaluhan kong okasyon ay kasal o bridal shower/stag party. Nakakatuwa lang.

Nitong Sabado, pumunta ako sa first birthday party ng anak ng isa sa malalapit kong kaibigan. Naging mini reunion ng best batch sa school namin ang okasyong iyon dahil nandoon ang valedictorian at salutatorian namin (na bihirang makapunta sa mga pagtitipon). Nagulat din ako nang makitang may anak na pala yung una. Di kasi s’ya mahilig mag-Facebook kaya wala akong balita.

Bale apat na anak ng mga kaibigan ko ang nandoon, maliban pa sa may birthday noong araw na ‘yon. Tapos, napansin ko, para makakain nang maayos yung mga kaibigan ko, either salitan silang mag-asawa sa pagkain (kakain muna yung isa habang buhat-buhat ng isa yung anak, then palitan) o ipapakarga nila sa iba yung anak.

Which is ganu’n ang ginawa ko. Nagkusa akong kargahin yung anak nila kasi nga napansin kong di sila makakain nang may bitbit na bata. Hanga naman ako du’n sa kaibigan kong may dalawa nang anak. Bukod kasi sa hirap silang kumain, hirap din sila sa pagpapakain sa mga anak nilang malilikot at makukulit (pero sobrang cute and lovely!). Pero kinakaya nila.

Pansin ko rin ang paglabasan ng maternal at paternal instincts ng mga kaibigan kong dati-rati ay kalaro at kakumpetensya ko sa school. Ang dami-dami nang nabago sa ugali at disposisyon nila sa buhay. Samantalang ako, party boy pa rin. Buhay binata.

Hindi naman ako nalulungkot. In fact, ang saya-saya ko nga sa buhay ko ngayon. At lalo pa ‘kong sumaya nang ma-realize ko na ang swerte ko pala. Kung naging straight ako at nakapag-asawa o nakapag-anak agad, for sure mababawasan na yung oras ko para sa sarili at madadagdagan yung stress ko sa katawan.

Hindi pa naman ako expert sa pag-handle ng stress. Kailangan kong magyosi o gumastos sa travel para mabawasan ang stress sa buhay.

On the other hand, kung wala kaming mga bakla (o mga single), walang magbubuhat sa mga anak ng kaibigan ko. Hindi sila makakakain nang maayos. Haha! Laking tulong ko, ‘no? Pero sa ngayon talaga, base sa nakikita ko, ayokong magkaanak. Parang di pa ‘ko ready sa malaking responsibilidad. Pagpapakain nga lang ng aso, kinatatamaran ko, pa’no pa kaya yung tao?

Isa pa, naniniwala ako na ang pagiging bakla ay malaking tulong kay Mother Earth. Alam mo kasi, ang biggest contributor sa climate change ay humans. Ergo, kung wala akong anak o kung di ako mag-aanak dahil bakla ako, hindi rin ako makakadagdag sa global warming o sa pagkonsumo ng limited resources ng mundo.

A 2010 study states that “slowing population growth could eliminate one-fifth to one-quarter of all the carbon emissions that need to be cut by midcentury to avoid that potentially catastrophic tipping point.”

O, di ba? Hindi salot ang mga bakla. Sa katunayan, biyaya kami. I believe we’re god’s o nature’s gift to humanity. Kung walang bakla (at mga single), wala kayong makakatulong sa pag-aalaga ng anak n’yo. Saka pinipigilan nga namin ang global warming sa pamamagitan ng hindi pag-aanak (pero di ko naman kayo pinipigilan kung gusto n’yong mag-anak. Hihi!).

Therefore, governments should subsidize us. Dapat may tax exemption kami. Lol.

Image result for child global warming

Advertisements