Last 2 minutes

by Sankage Steno

Nagkamali ako ng hula sa magiging ending ng laban nina Son Goku at Jiren sa Dragon Ball Super. Ang sabi ko kasi sa kapatid ko, mauubos ang oras sa tournament at draw ang match ng dalawang mandirigma, pero mananalo ang Universe 7 dahil buhay pa si Frieza at mas marami silang player na di pa natatanggal.

E laking WOW ko nu’ng linggo nang biglang mag-overheat si Goku dahil di kinaya ng powers n’ya yung perfect form ng ultra instinct. Akala ko nga tinira s’ya ni Frieza sa likod. Haha! Akala ko lang pala. Buti na lang nag-comment agad si Whis, ang angelic attendant ng Universe 7.

Pahiya tuloy ako.

So kung fan ka naman ng Super, alam mo na yung nangyari. Tinira ni Jiren si Goku para mapalabas sa tournament arena pero niligtas s’ya ni Frieza. Tapos biglang lumabas yung boyfriend kong si Android 17 na buhay pa rin pala. Thank god! So ngayon di ko na alam kung pa’no matatapos ang Tournament of Power.

Which is a good thing.

Ang hula ko, initially, ay iho-hold nina Frieza at maylabs Android 17 (better talaga ang Android kesa iOS) si Jiren habang nagpapahinga si Goku, pero hindi nila kakayanin kahit pa mag-tag team sila. Tapos, patatalsikin sila ni Jiren bago matapos ang oras (na napakahaba considering na ilang minuto na lang dapat).

Bago mangyari ‘yon, magigising si Goku at sasanggahin yung ititira ni Jiren. Ito ngayon ang dalawang ending na nakikita ko: Mamamatay si Goku (for the nth) time sa pagliligtas niya kay Frieza at sa boyfriend ko, so madi-disqualify si Jiren. Or, mamatay man o mabuhay si Goku, mauubos ang oras at ang mananalo ay ang Universe 7.

Pero pwede ring may upset.

Mananalo ang Universe 11. Mapapalabas ni Jiren sina Goku, Frieza at labidabs Android 17 sa arena at mabubura ang Universe 7, pero hihilingin niya na ibalik iyon sa super dragon balls. Or maybe not. Mananalo ang Universe 7 at sina Goku et al ang hihiling na ibalik ang ibang universe.

Ewan! Ayoko nang manghula! Kalokohan naman kasing dapat pang burahin yung mga universe. Bwiset! Ba’t ba masyado akong affected? Yung bansa ko nga di ko mailigtas kay god of destruction Duterte, tapos iintindihin ko pa ‘tong Universe 7? Bahala kayo d’yan. Basta happy ako na buhay pa si Android 17 my ❤

Advertisements