Chem Fun

by Sankage Steno

Antanga-tanga ko lang nu’ng unang me magyaya sa ‘kin ng chem fun sa dating app. Akala ko sa chem lab kami gagawa ng milagro. Exciting kako. Magpapahiran kami ng denatured alcohol, magpapabula ng iba’t ibang kemikal sa katawan at magtatapis ng litmus paper para i-test kung may asim pa kami. Taena, mali pala.

Droga pala, hindi chemistry. Tungak.

Kasi naman di ako nag-Google agad. Napahiya pa tuloy ako sa ka-chat ko. Malay ko naman kasi sa drug-induced sex, di ba? Hindi ko naman gawain iyon. Di ko naman kailangang tumira ng kemikal para maging high o low para makapag-sex. Kaya ko namang gawin ‘yon nang hindi nagdodroga.

Hindi lang mga hetero ang nahuhumaling sa ganitong fun. Laganap na rin s’ya sa LGBTQ community. Impak, kung nabalitaan mo yung nahuling mga lalaki na nag-o-orgy sa BGC last year, chem fun din s’ya. May involved na droga sa kasiyahan nila. ‘Yun nga lang, nabulilyaso. Kakalungkot.

Nagulat lang ako kanina kasi andaming nagyayaya bigla sa aking mag-CF. Sabi ko, anong ‘cf’? Muntanga na naman ako sa dating app. Yun pala, mas pinaikli pang chem fun. Kaluka naman kasi ‘tong millennial speak. Ambilis mag-evolve (o devolve). Nagmumukha tuloy akong inosente. Hihi.

Pinalitan ko kasi yung profile pic ko sa dating app. From a cosplayer na shinobi, ginawa kong yung naninigarilyo. Akala tuloy ng mga tao, marijuana yung tinitira ko. Andami tuloy nagtatanong sa ‘kin kung game ako sa CF.

Well, the answer is no.

Siguro, kung nasa ibang lugar o panahon ako, my answer will be yes. Pero dahil nasa Pilipinas ako at nasa gitna ng “drug war” na ang pinupuntirya lang e yung small-time users, hindi ako game syempre. Curious ako, oo, pero I won’t take that risk. Pupunta na lang ako sa Amsterdam o kung saang sin city to try it, but not here.

Nakakatakot kasi na bukod sa mahuhuli ako e baka di ko madala yung droga kung subukan ko man. Yun nga lang wala akong tinitira, napapa-high ko yung sarili ko, pa’no pa kung gumamit ako ng chem, di ba? Baka matunaw yung utak ko o may gawin akong pagsisihan ko habambuhay. Siguro ‘pag sawa na ‘ko sa buhay ko, ayan, ita-try ko na ang chem fun. Until then, safe fun muna ako.

Image result for chem fun

Advertisements