Junanago

by Sankage Steno

Ang ibig sabihin ng ‘junanago’ sa wikang Hapon ay number 17. Trivia lang bago ako magpaka-fanboy sa aking DBS love. Hihi. ❤

Whether you like it or you like it, si Android 17 lang naman ang kauna-unahang kampeon sa Tournament of Power, salamat kina Son Goku at Frieza na nagtulong (Wow moment) para magapi si Jiren, at syempre sa lahat ng kasapi ng Universe 7. He is the last man standing. And he is my boyfriend. Hahaha!

Naisip siguro ni Akira Toriyama na maraming may gusto sa character ni Junanago kaya s’ya ang napili n’yang matira sa halip na si Goku o Frieza o Vegeta. Kahit ako e, nagulat nu’ng manalo yung BF ko. I mean, magaling yung pinakita n’ya sa tourney, no doubt, pero alam naman nating lahat na si Goku at Jiren ang pinakamalakas.

E Tournament of Power nga, di ba?

Apparently, may gamitan din pala ng utak at strategy. At dahil pang-MVP ang performance ni Junanago, siya ang nabigyan ng pagkakataong makahiling sa Super Dragon Balls.

Hindi ko itatangging naluha ako sa ending nang hilingin ni BF na ibalik ang mga naburang universe. I mean, expected ko nang ganu’n ang gagawing ending ng anime, pero para i-sacrifice na naman ni Junanago yung pansariling interes (Nauna na n’yang isinakripisyo ang kanyang buhay.), yung makapag-travel sa buong mundo kasama ang family, that’s totally something.

Buti na lang at sinagot ni Bulma yung trip namin ni BF around the world. Matagal na kasi naming pangarap ‘yun ni Junanago may labs. E kaso nga, busy s’ya sa work as wildlife protector, busy rin ako sa pagsusulat. Tapos di rin kalakihan ang sweldo namin para makapag-travel nang gano’n. Kaya sobrang saya ko talaga na natupad na rin sa wakas ang pangarap namin.

Akshuli, mas naiyak ako sa fact na walang pag-aalinlangang hiniling ni BF na ibalik yung ibang universe. Tapos ang astig pa nu’ng sinabi n’yang bilisan dahil busy s’ya sa trabaho. Hahaha! Sabihin daw ba yun kay Zeno at du’n sa angelic attendant. So cool talaga ng BF ko!

Bagay na bagay kami. ❤

Ang saya lang ng ending ng DBS kahit alam ko nang ganu’n ang mangyayari. Hindi ko kasi in-expect na magtutulungan ang archnemesis na sina Goku at Frieza sa huli, at bubuhayin si Frieza kahit masama s’ya 5ever. Ang galing! So philosophical! Lol. At pinakamasaya sa lahat syempre ang pagiging bida ni Junanago may labs sa huli. Well-deserved, darling. Mwah!

Image result for android 17 gif

Advertisements