Piso o limang piso?

by Sankage Steno

Kasinghirap na ng kanta ni KZ Tandingan ang pag-usisa ngayon sa gamit nating barya. Humor me on this: Nalilito litong-litong-lito… Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? (Salamat sa pagkanta. Talagang ipinilit ko ‘yan sa blog ko ngayong araw. Haha!)

Ang tatalino kasi ng mga nag-design ng bago nating coins. Thanks but no thanks, Bangko Sentral ng Pilipinas. Mukhang nahawa na rin kayo sa kapulpolan ng mga ka-DDS, hano?

Sad, but not surprising.

Alam n’yo, dear readers, isa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit nagbabago ang hugis, kulay at disenyo ng mga barya natin. Iyon ay walang iba kundi costing. Ibig sabihin, nagmahal na ang materyales at/o proseso ng paggawa ng pera natin kaya kailangan nang baguhin at gawing mas mura.

Sa pagkakaalam ko kasi, para makagawa ka ng piso, gumagastos ang BSP ng P1.06 para sa isang coin. Ibig sabihin, mas mahal ang pagpapagawa sa barya natin kumpara sa halaga nito sa merkado. Kaya maraming sindikato ang sinasamantala ito at kinokolekta ang mga piso para pitpitin at ibenta bilang raw material sa ibang bansa.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit binago na naman ang hitsura ng pera natin ngayon. Bukod sa nagtaas na ang presyo ng materyales, bumagsak na rin ang halaga ng piso. Para makatipid sa gastos, pinaliit pa lalo ang mga barya natin at ginawang iisang kulay at hugis na lang.

Ang masama nito, halos magkakamukha na sila.

Hindi mo na tuloy mahuhulaan sa pagkapa lang ang baryang gagamitin mo. Kung nagmamaneho ka at kailangang magbigay ng sukli sa pasahero o bayad sa toll gate, tititigan mo pang mabuti yung coins para di ka magkamali. Kung shushunga-shunga ka, pwede ka pang maaksidente.

Kawawa rin ang mga manininda at iyong matatandang malalabo na ang mata. Siguradong mamamali sila sa paggamit ng mga barya natin. Kung ‘yun ngang mga may malilinaw na paningin, nalilito at nagkakamali sa pagkilatis ng piso at limang piso, pa’no pa kaya kaming malabo ang paningin?

Sana ibalik sa kulay-ginto yung limang piso (at bentsingko) kung hindi man kayang palakihin ulit iyon. Hindi naman kasi pinag-isipang maigi yung disenyo ng pera natin. Bara-bara lang, parang yung administrasyong ito. Ang baba na talaga ng standards sa gobyerno ngayon.

Image result for new five pero and one peso coin

Advertisements