Live and let live

by Sankage Steno

Humihingi po ako ng paumanhin sa mga na-seenzone ko matapos akong batiin ng Happy Easter sa chat. I appreciate the greeting and the thought, pero hindi lang talaga ako naniniwalang namatay at muling nabuhay si Jesus Christ. Hindi rin nga ako sure kung totoo si Jesus Christ. Ang dami kasing similarities ng kwento ng buhay n’ya sa myths and legends ng iba’t ibang civilizations.

Huwag sana kayong magtampo o magalit sa akin. Pero kung nagtampo at nagalit na kayo, naiintindihan ko naman. Nakakainis naman talagang ma-seenzone lalo na kung ka-close mo. Pero isipin n’yo na lang, hindi naman ako nagtampo o nagalit sa inyo kahit parang ipinagpipilitan ninyo ang paniniwala n’yo sa akin.

Quits lang.

Matagal na kasi akong nag-quit sa pagiging Katoliko. Wala na po akong relihiyon ngayon. Ang tanging sinasandigan ko na lang ay ang kasabihang “live and let live.” Hahayaan kita sa paniniwala/relihiyon mo, hayaan mo na lang din ako sa paniniwala (o kawalan ng paniniwala) ko. Ganoon lang naman kasimple para happy tayong lahat.

‘Wag na rin kayong mag-alala para sa kaluluwa ko. Hindi rin kasi ako naniniwala sa kabilang-buhay. Ang paniniwala ko, kapag namatay ako sa mundong ito, wala na. Mabubura na lang ako kasama ng aking alaala. Siguro magagamit yung katawan ko bilang pataba sa lupa o converted energy. Ewan. Bahala na si Mother Nature.

Wala rin akong pakialam sa langit at impiyerno. Hindi rin ako naniniwala roon. Kung sa tingin n’yo ay mapupunta ako sa impiyerno, sasabihan ko na lang kayo kapag naroon na ‘ko. Hindi n’yo na dapat iniintindi ang kahihinatnan ng kaluluwa ko. ‘Yung sa ‘yo na lang ang intindihin mo para walang gulo, okay?

Iyon lang naman. Sana nag-enjoy kayo sa maikling bakasyon tulad ko. As in! Iyon lang naman ang pinagpapasalamat ko sa mga religious celebrations na ‘yan–nagkakaroon ako ng panahong makapag-relax at makapagbasa o sulat. Pero don’t think na I owe it to your religion, ha?

No.

Alam mo kasi, pwedeng magkabakasyon kahit walang religion. It’s not hard to imagine. Kita mo nga, sa April 9 walang pasok ulit. Hindi naman religious event ‘yon. Arbitrary naman kasi ‘yan. A social construct. So don’t think na nakikinabang ako sa relihiyon o paniniwala ninyo. Pero sabi ko nga, I appreciate it.

Image result for easter meme

Advertisements