Damay-damay na itu

by Sankage Steno

Una sa lahat, gusto ko lang sabihing “Taena mo!” sa lahat ng nag-repost ng status ni Dan Aldrich Tolentino na nagsabing napanood na raw niya yung Infinity War sa Etihad Airways, sabay sabi ng mga “nangyari” sa pelikula. Kahit joke lang s’ya, hindi po nakakatawa. Nakakainis po s’ya, pati na rin kayong mga nag-post n’on para daw “damay-damay na itu.”

Muli, taena mo, gago.

Pangalawa, sa mga nagsasabing mag-abstain muna sa Facebook o kahit anong social media para hindi makakita ng spoiler, the answer is NO. Bakit kami ang mag-aadjust sa kagaguhan ng mga nagkakalat ng spoilers? Di ba dapat sila yung nire-report, bina-block o ina-unfriend? Sila dapat ang mag-abstain sa panggagago. Sila ang dapat mag-shut down ng kanilang social media account.

Para mo na rin sinabing ‘wag kang magsuot ng maiiksi para hindi ka ma-rape. Ulul! Walang mare-rape kung walang manre-rape. Wala sa suot ‘yan. Kahit balot na balot yung tao, kung wala kang kontrol sa libog mo, manre-rape at manre-rape ka pa rin. ‘Wag mong ipasa sa ibang tao ang kahinaan mo, gago.

And that leads me to my third point, CONTROL.

Gaano ba kahirap kontrolin yung sariling mong ‘wag mag-post ng spoiler? Kung sumasaya ka sa ginagawa mo, puwes, i-share mo sa sarili mo at ‘wag mo nang idamay yung mga kaibigan mo. Huwag kang tanga. Kung gusto mo namang mandamay dahil na-spoil ka, tarantado ka. Wala kang pinagkaiba kay Thanos. Mas pangit ka pa.

Pang-apat, gusto ko lang isuksok d’yan sa kukote mo na kahit kelan, hindi mo ikinaganda o ikinayaman ‘yang pagpo-post ng spoiler, ke Infinity War man ‘yan o Game of ThronesSixth Sense o kahit ano pa. Kung gumanda at yumaman ka naman dahil sa mga spoiler, edi wow. Bida-bida masyado. Ikaw na!

Panghuli, automatic unfriend ang mga magpo-post ng spoiler, totoo man o hindi. Hindi ka kawalan sa buhay ko, at lalong hindi ko papayagang sirain mo ang araw ko dahil sa “damay-damay” mong attitude. Tubuan ka sana ng kurikong na may takong, gunggong!

Image result for thanos meme

Advertisements