Sankage Sthanos

by Sankage Steno

Note to readers: This is a spoiler-free post so feel free to indulge yourself.

After 10 years! Sa Wakas! Napagsama-sama rin sa isang pelikula ang mga Marvel Heroes. Jusko. Ten years ago e virgin pa ‘ko at fresh na fresh out of college. Wala pa ‘kong kaide-ideya noon na si Thanos pala ang villain na pinapangarap kong maging paglaki. Hahaha!

Si Thanos yung tipong gusto mong matalo pero ayaw mong mamatay. Parang si Cersei lang sa Game of Thrones. Sobrang effective nilang kontrabida, na kapag nakita mo sa screen, either natatakot ka na o naiinis nang malala. Gusto mo s’yang sabunutan o tadyakan o konyatan pero ayaw mo rin s’yang mawala kasi, kasi… para saan pa ‘yung palabas kung walang kontrabida, di ba?

Ganu’n s’ya.

Tapos papasukan pa ng mga philosophical chenes. Na tipong, tama ba s’ya o mali? Does the end justify the means? Hindi naman masama yung hinahangad n’ya, a? Saka malay ko ba sa mga paghihirap n’ya noon, di ba? Baka yung circumstances ng buhay n’ya noon ang nagdala sa kanya sa ganoong disposisyon.

Tapos, tapos, mag-start s’ya ng quest to achieve his goals. Pero yung goal n’ya, hindi s’ya pansarili. Hindi n’ya hangad ang kayamanan o everlasting life. Kailangan n’ya ng power, oo, pero it’s not his end. May iba pa s’yang goal kaya kailangan n’ya ng infinity stones. At yung goal na ‘yon ang mapapaisip ka talaga: Mali ba yung priorities ko in life? Masyado ba ‘kong idealistic? May point naman s’ya, a?

Shet!

Kaya I’m letting go of my name for a while. Hindi na muna ako si Steno. Ako na ngayon si Sthanos. Sankage Sthanos! Hahaha! Ang witty ko, ‘no? Kainis.

Sobrang daming layers ng character ni Thanos. Physically, pangit s’ya, malaki, hirap mangulangot, parang bayag ang baba at pwedeng panakot sa mga bata. Pero emotionally, socially, politically, mentally, iba s’ya. Parang pinagsama-samang Hitler, Gandhi, Jesus, Einstein at Amin. Masama s’ya pero may puso. Kasusuklaman mo s’ya na parang hindi.

Anlabo, ‘no? Hahaha!

I therefore conclude na hindi pure evil si Thanos. Hindi s’ya Satanas level. Pero hindi rin naman s’ya epitome ng kabutihan. He’s no Mother Teresa, that’s for sure. Para s’yang si god sa old testament. Willing s’yang burahin ang populasyon ng mundo (through flood) para malinis ang sangkatauhan. Parang gano’n.

But don’t get me wrong. Gusto ko si Thanos as villain, pero that doesn’t mean na pareho kami ng paniniwala. Kung magiging totoo s’ya in real life, kakampi ako sa Avengers at pipigilan s’ya kahit alam kong wala akong laban. Sobrang magkasalungat kami ng pilosopiya sa buhay. Pero sabi ko nga, ang husay n’yang kontrabida. Idol ko s’ya.

Image result for thanos cry

Advertisements