May Endo pa rin, mga ulul!

by Sankage Steno

Wala namang silbi yung pinirmahang EO ni Dutertae kahapon kasabay ng Labor Day. Gusto lang n’yang “ipahiya” yung mga nagra-rally para wakasan ‘yang Endo o contractualization sa mga empleyado ng pribadong kumpanya at ng gobyerno. Kinagat naman ng mga pulpol na ka-DDS.

Hindi ko pa nababasa yung EO at wala rin naman akong expertise para magbigay ng legal opinion tungkol d’yan, pero kung pagbabasehan natin yung sabi sa balita, ang ban na pinirmahan ni Dutertae e sa illegal contractualization lang. Ibig sabihin, walang ban sa “legal” contractualization.

Ergo, may contractualization/Endo pa rin.

Isa pa, kaya nga tinawag na “illegal” contractualization, kasi… um… illegal s’ya. Hindi mo na kailangan ng EO para sabihing bawal s’yang gawin. Ang pagkakaalam ko, nasa Labor Code na bawal nga ang illegal contractualization o yung ginagawa ng mga kumpanyang hanggang limang buwan lang ang kontrata ng mga empleyado nila para hindi sila gumastos sa benepisyo.

Redundant lang yung EO. Papogi lang ng pangit n’yong pangulo. Wala naman talagang dulot ‘yon. Kung seryoso s’ya talagang tapusin ang Endo, panagutin n’ya yung mga kumpanyang nagsasagawa ng illegal contractualization tulad ng SM, Jollibee, mga TV network at marami pang iba.

At unahin n’yang alisin dapat ang Endo sa gobyerno dahil napakaraming kontraktwal na empleyado sa mga munisipyo, city hall at iba pang opisina ng gobyerno. Saka lang ako maniniwalang seryoso ‘yang pangulo n’yo kung mauumpisahan n’yang iregular ang mga libo-libong contractual employee sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Ang hirap kasi sa inyo, andali n’yong mauto.

Saka pa’no ako maniniwalang gusto ngang wakasan ni Dutertae ang Endo, e hindi nga n’ya magawang dagdagan ang trabaho sa bansa. Lalo pang dumami ang unemployed ngayong taon. Sa Boracay pa lang, 30,000 plus na yung nawalan ng trabaho. At dahil sa kabobohan at pagpapasikat ng mga alipores n’ya sa Kuwait e nanganganib pang mawalan ng trabaho yung mahigit 200,000 Pinoy na nagtatrabaho roon.

Idagdag mo pa d’yan yung pagtaas ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law na lalong nagpahirap sa mahihirap at sa mga kumikita lang ng minimum wage. Galit talaga sa mahihirap ‘yang binoto n’yong demonyo. Umpisa pa lang, dami nang pinatay sa EJK. Ngayon naman papatayin n’ya sa gutom yung mga natitira pang buhay.

Hay. Kaawa-awang mga Pilipino.

Image result for duterte effigy

Advertisements