Paalam, well-balanced diet

by Sankage Steno

Nang magsimula ang taong 2018, nangako ako sa sarili kong dadamihan ko ang pagkain ng prutas at gulay at babawasan ang paglamon ng karne, kanin at matatamis na pagkain. Nagawa ko naman. Mula 73 kilos last year e napababa ko sa 65 kilos ang timbang ko. Ngayon naglalaro na lang sa 69 o 70 kilos.

Sobrang proud ako sa sarili ko kasi ang daming tukso sa paligid. Sa building na pinagtatrabahuhan ko, meron Jollibee at Greenwich. Sa kabilang kanto naman, merong Mang Inasal, Chowking, McDonald’s, Tokyo Tokyo at KFC. Ang hirap talagang pigilan ang sarili lalo pa’t may pambili naman ako.

Pero kinaya ko.

Now I’m having doubts kung kakayanin ko pang ituloy ang aking diet. Baka tuluyan nang mawala yung hulma ng abs ko. Baka magkaroon na ulit ako ng double chin. Baka mabawasan yung mga nagkakagusto sa ‘kin kapag tumaba na naman ako.

Meron na kasing Dunkin’ Donuts sa lobby namin. Huhu. E sobrang paborito ko pa naman ng Butternut at Choco Butternut. Walang sinabi yung mga bida-bidang donuts ng Krispy Kreme at J. Co. Butternut at Choco Butternut lang talaga ang pinaglilihihan kong donut. Wala nang iba.

Kahit nu’ng di pa s’ya premium donut, inaaraw-araw ko na s’yang bilhin. Naabutan ko pa yung Golden Age ng Butternut at Choco Butternut na nasa P10 (then naging P20) lang ang isang piraso. Ngayon nasa P35 na s’ya! Pero kahit na nagmahal na sila, afford ko pa rin namang araw-arawin.

At nangangamba akong aaraw-arawin ko na nga s’ya ulit. Huhu.

Kapag nangyari ‘yon, susubukan kong i-adjust ang diet ko. Baka hindi na ‘ko mag-breakfast meal sa Jollibee. Huhu. O kaya e hindi na ‘ko magkakanin sa gabi. Huhu. Dadagdagan ko na rin ang pagkain ng mapapait na gulay para iwas diabetes. Huhu. All for the sake of Butternut and Choco Butternut.

Sana mapagtagumpayan ko ito. So help me, Donut God.

Image result for butternut choco butternut

Advertisements