NPNR

by Sankage Steno

Nagsimula sa isang larawan
ng hubad na katawan
ang maikli nating usapan.
“Hi,” wika ko, sabay padala
ng isang malinaw na kuha.

“No pic, no reply”
kasi ang nakalagay
sa matipid mong profile.
Sinunod ko naman
at ikaw ay pinagbigyan.

Sagot mo ay di nakamtan
agad kahit kita ko naman
ang bilog na kulay-luntian.
Online ka, lalaking hubad;
pansinin mo ako, pakiusap.

“Other pic,” sabi mo bigla;
yaring puso ay nagitla,
tila napalundag sa sigla.
At ako nga ay nagpalipad
ng bagong larawan agad-agad.

Sumagot ka naman, “Nice,
chinito. Like your eyes.”
Kinilig ako bigla. Ayieee!
Ito na ba ang hinihintay
na sandali? Bongga ka, ‘day!

“Pic mo?” balik ko sa kanya,
at hindi ko kinaya
ang kanyang ipinadala.
Adonis, ikaw ba ‘yan?
Gusto na kitang matikman.

Maghunos-dili ka,
sa sarili ay ipinaalala;
baka poser lang pala.
Alam mo namang nagkalat
ang mga kupal at bilat.

Ngunit nang magpadala
ka ng isa pang kuha,
pagdududa ko ay nabura.
“Ikaw na ba si Mr. Right?”
Ang true love of my life?

Sinungkit ko ang pangarap
sa tanong na mahirap:
Wanna meet up?
“Loc” ay iyong ipinadala
at napasigaw ng Aleluya!

Advertisements