Big baby

by Sankage Steno

Itong darating na tatlong magkakasunod na weekend, tatlong event na pambata ang pupuntahan ko. Yung una, di pa pinapanganak; yung pangalawa, isang taon na; yung pangatlo, ilang buwan pa lang. So, yeah, you might have guessed it already. Pupunta ako sa baby shower, sa 1st birthday party at sa binyag.

Wala namang kaso sa akin yung gastos para sa regalo. Napakaliit na bagay kung ikukumpara sa pakikisama at pakikipag-bonding ko sa mga kaibigang pupunta rin doon. Wala ring kaso ang schedule. Libre naman ako sa mga nasabing weekend at marami akong free time. Kaya nga nakakapagsulat ako ng novel, di ba?

Ang kaso ko lang e yung baby fatigue. I’m not sure kung meron no’n, ha? Imbento ko lang. Parang quarter-life crisis noon. Di ko sure kung totoo nga, pero ngayon accepted na s’ya. So let me get my point across para mas malinaw. Baka rin kasi hindi na ‘ko imbitahin ng mga kaibigan ko sa susunod.

A few years back, sunud-sunod ang kasal ng mga kaibigan at kamag-anak na inatenan ko. May time na buwan-buwan, minsang dalawang beses pa sa isang buwan, e nasa kasalan ako. Dumating din sa puntong na-depress ako dahil yung mga kinakasal kong kaibigan, nasa gano’ng stage na, samantalang ako, ni wala pa sa stage 1 ng relationship.

Pero I got over it, and now I’m genuinely happy being single na nakikipag-date paminsan-minsan. Honest!

Pagkatapos ng mga kasalan, as expected, ang mga event na dumating at dumarating naman ngayon ay baby shower, gender reveal, binyag, presentation at 1st birthday. Nandito na ‘ko sa bagong stage kung sa’n nag-level up na naman yung mga kaibigan ko sa bahagdan ng buhay, samantalang ako, ni wala pa sa stage 1 ng relationship.

But I’m not sad or jealous. Hindi nga ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon. Para kasing gusto kong pumunta at makisaya, na ayaw ko rin kasi, ewan. Tinatamad ako? Di ko gusto yung usapan kasi puro about mga anak at family? Di kasi ako maka-relate? Paulit-ulit na lang?

Ewan talaga. Baka all of the above or none at all.

Pero pupunta pa rin ako kahit di ko maintindihan yung sarili ko. Haha! Ayoko namang mag-inarte. I’m not a big baby. Aayaw-ayaw pa e gusto naman pala.

Saka gusto ko rin naman kasing makita yung mga kaibigan ko at yung mga anak nila. Gusto kong makita silang masaya kasi sumasaya rin ako. Di tulad noon na masaya ako for them pero malungkot for myself. Now I can surely say that I’m not sad. Bored? Not really. Maybe. Nag-eenjoy naman ako sa ngayon.

Siguro gusto ko lang ding mag-level up sa buhay. Pero not in the heteronormative sense. I want something more than the usual. Something extraordinary. Yung masasabi kong akin lang. But that’s asking too much, ‘no?

Image result for boss baby

Advertisements