Babae na lang

by Sankage Steno

Sabi kahapon ni Katay Digong, kahit sino raw e ia-appoint n’ya as Chief Justice basta ‘wag lang babae. Ganu’n din ang sabi n’ya sa mababakanteng posisyon ng ombudsman sa July. Kahit sino, ‘wag lang babae.

Hindi ko alam kung bakit ganu’n na lang ang pagkamuhi ng pangulo mo sa mga babae, samantalang ang hilig-hilig n’ya sa puki. Kung ayaw n’ya talaga sa babae at lalake ang gusto n’ya, di kaya bakla s’ya? Naalala ko kasing inamin n’ya kay Vice Ganda noon sa show nito na dati s’yang bading. Na-“convert” lang.

Anyway. Di naman mahalaga kung ano ang totoong sexual orientation ni Digong. Ang mas mahalaga e yung matigil ang pambabastos n’ya sa mga babae, lalo na yung pang-aaway at pagpapatanggal n’ya sa mga babaeng tumutuligsa sa mga mali n’yang gawain. Kung pa’no? ‘Yun ang di ko alam.

Kamatayan lang n’ya ang nakikita kong solusyon sa ngayon.

Pero ayoko namang hilinging mamatay ang pangulo mo kasi ‘pag ginawa ko ‘yon e wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Pareho na rin kaming Katay King. No! Very wrong. Basta ang hiling ko lang e magtigil s’ya o totohanin n’ya yung pangako niyang magre-resign s’ya kapag di nasugpo ang droga at krimen in 3 to 6 months.

Anong petsa na?

Going back sa misogynist na pangulo mo. Kung ako ang tatanungin, mas dapat ngang babae ang italaga sa mga posisyong madalas e lalaki ang nakaluklok, tulad ng pangulo, chief justice, ombudsman, atbp. Not saying na mas magaling ang mga babae. Pareho lang in my opinion. Pero wala pa kasi akong alam na babaeng diktador.

Marami nang strongman in history, pero never pa ‘kong nakarinig ng ‘strongwoman’.

Take note, hindi positive ang salitang strongman. Tawag s’ya sa mga tulad nina Putin, Marcos, Amin, Pinochet, Duterte at marami pang iba. Mga bayolenteng tao. Mga hayok sa kapangyarihan. Gagawin nila ang lahat para manatili sa puwesto, kahit pa patayin at paghirapin ang taumbayan.

Sige nga, magsabi ka nga ng kahit isang babaeng leader na ang ginagamit ay dahas para pamunuan ang kanyang nasasakupan? Walang top-of-mind name, di ba? Merong masasamang babae sa kasaysayan, oo, pero wala sila kung ikukumpara sa kalupitan ng mga lalaki.

Ito rin nga ang naging basehan ko kung bakit binoto ko ang lahat ng babae nu’ng barangay election kahit di ko pa kakilala. Alam ko kasing maraming kayang gawin ang kababaihan na dati nang ginagawa ng kalalakihan, pero di sila malupit o uhaw sa dugo.

Iyon siguro talaga ang kinatatakutan ni Digong, ‘no? Yung pagiging “mahina” ng mga babae. Mahina sa karahasan. Mahina sa kalupitan. Mahina sa kapalaluan. E kung gayon, mas dapat na babae ang iluklok sa matataas na posisyon. Tama na ang pa-macho shit na ‘yan. Girl power naman!

P.S. Pwede ring gay power. Hihi. #Steno2040

Image result for conchita morales, leila de lima, CJ sereno

Advertisements