Di pa kuntento

by Sankage Steno

Dahil di pa ‘ko kuntento (kahit pa masaya na ‘ko) sa mga achievement ko sa buhay, napagpasyahan kong magpaka-amazing pa lalo. Hindi naman ako tumitigil sa pagpapasikat sa sarili ko, pero tingin ko kasi e masyado na ‘kong komportable sa kinalalagyan ko.

At dahil comfort is the enemy of innovation, ergo success, oras na para muling umalis sa aking comfort zone. Btw, imbento ko lang ‘yang adage na ‘yan. Akin ‘yang kasabihang ‘yan, but you’re free to borrow it without permission.

Going back, napapansin ko kasing nadadalian na ‘ko sa trabaho ko at di na rin ako masyadong naii-stress sa mga personal projects ko, kaya naman dadagdagan ko na yung sakit ko sa ulo. Dadagdagan ko na yung mga pinagkakaabalahan ko kahit pa marami na ‘kong pinagkakaabalahan ngayon.

Plus ultra pa more!

Minsan nga naiisip ko, masokista ba ‘ko? Pero ‘pag sinasagot ko naman yung tanong ko sa sarili, ang sagot na nakukuha ko ay ‘Hinde’. Ayokong sinasaktan ang sarili ko, that’s for sure. Pero ayoko rin namang magpakapetiks masyado at magpabaya.

I’ll let you in on a little secret. Dati, nu’ng bata pa ‘ko, may iba akong talent maliban sa pagsusulat o pagkukuwento. Ang original na talent ko talaga ay pagguhit. Mas magaling akong mag-drawing noon kesa magsulat o sumayaw o kumanta. Pero dahil di ko s’ya hinasa at ginamit madalas, ayun, kinalawang at tuluyang naagnas.

Ayoko namang mangyari ‘yon sa ‘kin ulit.

Kaya para mapigilan ang pangangalawang ng aking utak, ng aking katawan, ng aking isip at ng aking mga talento (lantad man o natatago), pahihirapan ko pa yung sarili ko. Syempre hindi ko isisiwalat dito kung ano ang gagawin ko o kung anong talento ang lilinangin o bubuhayin ko. Gulatan na lang.

One of these days, makikita n’yo na lang yung mga yabang posts ko sa Facebook o dito sa blog. I thrive on that e, sorry. Pasikat ako through and through. Sana kayo rin. I love a good challenge, especially if its insurmountable. Nux! Joke lang. I know my limitations. But I know more of my potentials.

Kaya laban pa! Laban nang laban hanggang kamatayan! #Steno2040

Image result for plus ultra

Advertisements