Kung ayaw mong tulungan kita

by Sankage Steno

Ang sarap ng ganitong panahon. Maulan, malamig, tapos long weekend. Ang sarap magkape. Ang sarap matulog. Ang sarap magbasa-basa. Ang sarap makipag-sex. Ang sarap ding mag-contemplate about life. Tapos mapapa-overthink ka, tapos magugulo utak mo sa dami ng existential questions, tapos iko-consider mong magpakamatay.

Hindi ko alam kung nauuso lang, o kung dahil sa panahon, o nagkataon lang, pero parang nagkasabay-sabay yung mga kakilala kong may pinagdadaanan sa buhay ngayon at, feeling ko, depressed. Ang dami ring nagse-send sa ‘kin ng signal na parang gusto nilang magpakamatay. Nakaka-stress tuloy sa part ko.

In fairness naman, nu’ng ako ‘yung may pinagdadaanan a couple of years back, hiniling ko sa Universe na sana ay malampasan ko at magapi ang mga inner demons para hindi na ‘ko ‘yung humihingi ng saklolo. Sobrang specific ng dasal ko, “Sana matapos na ‘tong kadramahan ko sa buhay para makatulong na ‘ko sa ibang tao.”

Ganyan po ako ka-selfless. Hihi.

E nangyari nga. Taena ‘yan. Be careful what you wish for talaga, ‘coz you might get it. Pero masaya naman ako dahil hindi na ‘ko depressed. I’ve conquered myself. O, gusto mo ‘yon? Hindi ko lang in-expect na mahirap din pala ‘yung second part ng hiling ko, na makatulong sa ibang taong nangangailangan.

E kasi ba naman, di ko inexpect na sabay-sabay ‘yung mga kaibigan kong “depressed” o may suicidal tendencies. Hindi naman ako superhero na kaya silang tulungan lahat. Ni hindi nga ako psychiatrist o counselor. Sobrang dehado ako. Kaya ang sinasabi ko sa kanila minsan, baka you need professional help na. Andito lang ako lagi, pero I can only do so much.

Totoo naman. Limitado lang ang kakahayahan ko.

Ang nakakairita lang, kapag nagri-reach out ako sa ibang tao, sila mismo ‘yung tumitiklop. I understand that this is part of their “pinagdaraanan.” And I respect that. Kapag gano’n, hinahayaan ko na lang. Mas makakasama kasi kung ipagpipilitan kong “tumulong” o makinig sa kanilang problema. Nakakakaba lang kasi nga baka magpatiwakal ang mga mumshies.

Kakabaliw, ‘no? Gusto mong tumulong pero ayaw magpatulong ng ibang tao. Me gano’n pala. So hindi ko tuloy alam kung paano iha-handle ‘yung gano’ng sitwasyon. Ang ginagawa ko na lang, I make sure na bukas ang communication line ko. At kung me pagkakataon, sinusubukan ko pa ring mag-reach out.

Eto pa. Mas mahirap pala kapag kapamilya. Nakaka-cringe kasi ‘yung drama moments. Ayokong-ayoko pa naman ng mga teleserye kind of eksena. Kadiri! Pero nilalawakan ko na lang ang pang-unawa ko at pinapahaba ang pasensya. Ine-effortan ko talaga ‘yan sa abot ng aking makakaya.

Ang hirap lang, pramis. Ang hirap tumulong sa ayaw humingi ng tulong. Ang hirap dumamay sa mga taong dapat e sila ang dumadamay sa ‘yo. Biglang may reversal of roles. Kaluka rin.

Pero masaya ako dahil wala na ‘ko sa madilim na lugar na ‘yon at nasa posisyon na ‘ko na pwede akong tumulong.

Image result for suicide rain

Advertisements