Ubod ng yabang

by Sankage Steno

May isang babaeng crush ako. Alam mo kung pa’no ko alam? Kase, nu’ng nasa bus kami, du’n s’ya naupo sa tapat ng inupuan ko kahit andaming upuan sa likod. Nu’ng kainan na, du’n s’ya naupo sa tapat ko kahit andaming ibang table na available. Lagi ko rin s’yang nahuhuling nakatingin o nakatitig sa ‘kin. Pero napatunayan ko talaga nang kumanta ako ng In the Middle ni Zedd ft. Marren Morris.

Aba, after kong kumanta, lumapit sa ‘kin, tinabihan ako sa upuan at kinanta rin ‘yung kinanta ko. Akala n’ya siguro babatiin ko s’ya at ‘yung boses n’ya kapag nalaman kong alam din n’ya ‘yung kanta. Sorry, girl. No.

Ayoko sa babae dahil bakla ako, pero mas ayoko sa babaeng di makahalata at nagkakagusto sa ‘kin. Ang dami kasing malisyosong babae (di lang lalaki) na super vocal and touchy sa pagpapakita ng pagkagusto nila sa ‘kin. May kumakapit sa braso ko, nanghahawak ng kamay, nagpapapansin, binibigyan ako ng gifts, etc. Salamat, pero nakakairita kayo kung minsan. Just stop.

Anyway, I’m digressing. Itong si ateng crush ako, hindi pa nagpaawat. Nu’ng gabi na, habang nag-iinuman, biglang ipinasok ‘yung videoke sa kwarto. At alam mo ang ginawa n’yang kasuklam-suklam maliban sa pagkakagusto sa ‘kin at sa pagpapapansin?

Inunahan n’ya ‘kong kumanta.

Big mistake, girl. BIG. MISTAKE.

To be fair kay ate, may boses naman. Mataas ang range. Kanta ni Regine Velasquez ang tinira n’ya. So palakpakan ‘yung ibang taong kasama namin nang ma-hit n’ya ‘yung high notes. It’s not perfect. A bit pitchy in some places. Pero na-pull off naman n’ya. Tsk-tsk. If she was trying to impress me, boom. Wrong move.

So ako ang sumunod na sumalang. Ako ang “humamon” sa pa-Regine effect n’ya. Ha! Alam mo kung ano kinanta ko? Wait for it…

Super Bass.

Nicki Minaj. While standing. With matching choreography. Some hip. Some hop. And… some Sankage Umph.

Alam mo reaction ng mga tao? Wala. Tahimik. Ha! Alam mo kase, tayong mga Pinoy, iba tayong “magpakita” ng paghanga. Pinapalakpakan natin ‘yung performance mechanically to show appreciation o ‘pag nasabihan, pero tumatahimik tayo kapag may nagpakitang-gilas. Nahihiya tayong pumalakpak.

“Oh, you’re too full of yourself, Steno. Di sila nagalingan.”

Okay. Tapos, kumanta ako ng I’ll Be ni Edwin McCain habang NAKAUPO. Hindi pa tapos ‘yung kanta, nagpapalakpakan na ‘yung audience. Now that’s different. Sa una, tahimik ang Pinoy kapag nagulat o namangha. Pero kapag sa sumunod na performance e napahanga ulit sila, sisigaw na ‘yan at papalakpak. Ehem.

Tinapos ko ang aking repertoire sa pagkanta ng Listen ni Beyonce habang NAKAUPO at Pagsubok ng Orient Pearl habang NAKAUPO. Hindi ko na sasabihin na mahirap bumirit kapag nakaupo. Oops, nasabi ko pala. Sorry. Hindi ko na rin sasabihin na after kong kumanta, nahiyang kumanta ‘yung mga sumunod.

#SorryNotSorry. Hindi lang range ang meron sa boses ko. Sanay din ako ng ilang technique at kaya kong magpapalit-palit ng genre. But I’m no Regine Velasquez. I’m Sankage Steno.

Nakaka-trigger kasi si ate. In fairness, na-provoke n’ya ‘ko nang slight. Ibibigay ko. Okay lang sana kung crush n’ya ‘ko e. That I can handle. Pero ‘yung magpasikat in front of me? Ha! Nice work. Binigyan mo lang ako ng pagkakataong magpasikat. I hate to admit this: Gusto ko ng mga talentado at matatalinong tao. Pero mas gusto kong pinapakita sa kanila na mas magaling ako.

——-

Moral of the story: ‘Wag kang magpapasikat kung babae ka at may crush sa akin. Charot! ‘Wag n’yo ‘kong uunahan sa videoke.

Image result for videoke girl

Advertisements