Megalomanyak

by Sankage Steno

Hindi lang manyak si Duterte, megalomanyak din s’ya. Obsessed sa kapangyarihan. Tingin n’ya sa buong bansa e Davao City lang. Feeling n’ya siya ang pinakaimportanteng tao sa Pilipinas, kundi man sa mundo. At lahat ng sabihin n’ya, kahit masama, sinusunod ng mga kampon n’ya.

Patayin n’yo mga adik! Ayun, pinatay nga.

Hulihin n’yo mga tambay! Ayun, hinuli nga.

Sereno is my enemy! Ayun, tanggal sa pagiging Chief Justice.

De Lima is my enemy! Ayun, kulong ang senadora.

Hindi naman nakakagulat ‘yon, di ba? Noon pa lang, bago pa s’ya maging pangulo, inamin na n’yang lodi n’ya si Marcos na isa ring megalomanyak at megamagnanakaw. Di na ‘ko magugulat kung pagkatapos ng termino ni Digong e bilyon-bilyon na rin ang tagong-yaman niya at ng kanyang pamilya.

Nakakapagtaka lang na kung kelan n’ya sinabing “stupid” si god e saka ngayon lang nagpupuputak ‘yung mga taong dati e tatahi-tahimik. Nu’ng pinapatay ang mga adik “daw” at tambay “daw,” tahimik sila. Nu’ng tumataas ang bilihin dahil sa inflation, sa pagbagsak ng piso at TRAIN law, tahimik sila. Nu’ng binabastos n’ya ang mga babae at mga lider ng ibang bansa, tahimik din sila.

Tapos ngayon biglang ang iingay n’yo?

Kung tutuusin, tama si Duterte. Stupid si god kasi niluklok n’yang pangulo ng Pilipinas ang isang katulad ni Digong. Di ba sabi n’ya noong 2016, “God made me president.” Following that logic, if god made Duterte president, then that god must be goddamn STUPID!

By the way, hindi rin ako naniniwala sa diyos, pero naniniwala ako sa possibility na may tagapaglikha. Anyway, that’s not the topic. Kung gusto mo ‘kong i-engage sa usapang diyos, let’s get it on sa comment section. I won’t hold back kahit sino ka pa.

Going back, alam naman nating nililihis lang tayo ng gobyerno sa mas mahahalagang usapin sa bansa.

Sa halip kasi na pagtuunan ng pansin ang patuloy na pagtaas ng bilihin, ang malalang trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila, ang paghuli at pagpatay sa mga inosente ng mismong mga pulis na pinapasweldo natin, ang pagpasok ng droga sa bansa, ang pagnanakaw ng mga Tsino sa teritoryo natin, ang patuloy na pagpapayaman ng mga alipores ni Digong, ang paglaya ng mga korap, puro si god, god, god ang pinag-uusapan.

Faith without action is dead faith, di ba? Same with love? Bakit di mo ipakita ‘yan sa mga mahihirap na lalong pinahihirapan ng gobyernong ‘to? Bakit mas mahalaga pa ‘yung mababaw mong faith kesa sa kumakalam na sikmura at nasasayang na buhay ng mga kapwa mo Pilipino? Ikinaganda mo ‘yan sa mata ng diyos?

Ulol!

Pero mabuti na rin na marami pa ang nagagalit kay Duterte. Sana ipagpatuloy pa n’ya ang pagkuda ng kung anu-anong kagaguhan. S’ya lang naman talaga ang makakapagpabagsak sa sarili n’ya. Tatahi-tahimik kasi ‘yung maraming Pinoy na lahat inaasa sa diyos na di nila nakikita. Di ba nga, nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa? O, pati ‘yon nakalimutan mo? Bobo talaga.

Image result for duterte diyos

Advertisements