A, B, C, D, E

by Sankage Steno

Nahihirapan akong mamili ng pupuntahan this August dahil napuntahan ko na lahat ng gusto kong puntahan sa Pilipinas. Ayoko namang ulitin dahil kakaulit ko lang pumunta sa Boracay. Nakailang ulit na rin akong punta sa Sagada. Ganito pala kapag nakamit mo na ‘yung mga pangarap mo ‘no? Pakamatay ka na lang.

Charot!

Marami-rami pa naman akong di napupuntahang lugar sa Pilipinas, pero di kasi ako ganu’n ka-excited na puntahan sila. Kung pupunta man ako, dapat e work-related o niyaya ng mga kaibigan para mapilitan akong sumama. Otherwise, kakaladkarin ko lang din ‘yung sarili.

Ang naiisip ko ngayon e mag-try ng mga di ko pa nata-try na activity. Kaso lang, gusto ko e chill na travel this time. Anyway, since nahihirapan nga ako, try ko na rin kahit di ko feel masyado. As usual, alphabetical na naman ‘yung naisip ko (like the first time I traveled the beautiful islands of the Philippines!).

Anilao – Hindi ko pa nasubukang mag-dive. Di rin naman s’ya kasama sa bucket list ko. Oh well, paulit-ulit ako. Lahat naman ng ililista ko rito wala sa bucket list ko kasi nga na-check ko na silang lahat. Ayun, so una ‘to sa listahan ko.

Baler – Hindi ko pa rin nasubukang mag-surfing. Di ako fan. Oh well, kulit ko. Pero kasi baka maraming instructor du’n na maganda ang katawan. Yummy! Pwede na rin kahit tingin-tingin lang. Sana pwedeng dilaan.

Cebu – Hindi ko pa nalilibot ang southern part ng Cebu so baka i-try ko this time. ‘Yun nga lang, nahihirapan akong makipag-usap sa mga Bisaya dahil di ako sanay. Dami ring foreigners. Di ako fan ng mga puti o itim.

Davao – Hindi ko pa kasi naaakyat ang Mt. Apo. Kaso lang, maulan na at di safe na akyatin ‘tong highest peak sa bansa. Ayoko rin namang puntahan ‘yung teritoryo ng mga DDS. Pero pwede kong dalawin friends ko dito.

El Nido – Hindi ko pa napupuntahan ‘to kahit nakapag-Puerto Princesa na ‘ko at Coron. Ang laki kasi ng Palawan. Anyway, medyo mahal dito at maraming puti. Pero since sikat s’ya at di naman peak season, pwede na rin.

Ayan, nasabi ko na ‘yung initial choices ko. Baka naman may suggestion ka pang iba. Please lang, paki-share. Nahihirapan talaga akong mag-isip kung saan ako pwedeng mag-chill at mag-Grindr galore. Reward ko ‘to sa sarili after working hard these past few months.

Hit the comment section please for your suggestions. Kung gusto mo rin akong isama o i-adopt sa travel mo, go! I’d like to meet new friends or try hanging out with others. Maraming salamat po!

Image result for anilao

Advertisements