Mangarap ka ulit

by Sankage Steno

I think the problem with successful people is that they stop dreaming. Once they’ve achieved their goals, kapag nasa rurok na sila ng tagumpay, saka sila nalo-lost. Parang wala nang direksyon ang buhay nila, kasi nga, narating na nila ang kanilang destinasyon.

Naisip ko ‘to nu’ng magpakamatay sina Anthony Bourdain at Kate Spade saka after mag-breakdown ni Sarah G. sa concert n’ya nang hindi ma-hit ang notes ng Forever’s Not Enough (although baka ‘yun talaga ang trigger ni Ate).

May nabasa rin akong headline na “What do you do after your dreams come true?” Kasi nga, di ba, dahil nakamit mo na ‘yung gusto mo sa buhay, wala ka nang minimithi. Wala ka nang pinaghihirapan. Wala ka na ring motivation para magpakahirap. And that could be hell for some people.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit andaming sikat na tao ang nagpapakamatay kahit matagumpay sila, maayos ang pamumuhay, at napaliligiran ng kaibigan, fans at pamilya. I can’t be too sure ‘coz I’m no shrink, but there seems to be a link between achieving your goals and suicide (or depression leading to suicide).

Isa pa, di ba kapag wala kang magawa sa buhay, kapag bored ka, du’n ka napapaisip masyado tungkol sa buhay at kamatayan, sa silbi natin sa mundo, sa halaga ng mga nagdaaang araw at kung anu-ano pang existential shizz. Truly, an idle mind is the devil’s playground. And that might somehow correlate with depression as well.

Ang tanong ngayon, ano nang gagawin mo kapag nakamit mo na ang iyong pangarap?

Well, for one, you can reap the fruits of your hard labor or share it with others. If that’s not enough, you can always think of ways to further improve your work or your status. Kumbaga sa RPG, magpa-level up ka pa o magpayaman kahit isa ka na sa pinakamalakas na character.

But then again, in one way or another, you’d still reach that zenith. Or you’ll reach your saturation point. If that’s the case, what should you do now? Para sa ‘kin, ang simpleng sagot ay humanap ng ibang avenue to pour your time and effort. In other words, dream again. Mangarap ka ulit.

It may not be for yourself but for other people. For example, pangarapin mong makapagpatayo ng bahay para sa kamag-anak o mahal mo sa buhay. You can also dream of seeing your baby or your niece or nephew grow up. Pwede ka ring mangarap na magka-award o maging bihasa sa ibang larangan.

The dream doesn’t have to be big or long-term. Pwede namang short-term, like makapunta sa ganito o ganyang lugar, o makatapos ng tula o kuwento. Pwede ring maliliit lang pero may lalim at kahulugan, like makadalaw sa orphanage o makakilala ng bagong kaibigan.

I guess the bottom line is to always find a purpose in this world. A purpose in your own terms. Baka naman kasi ‘yung iba, kailangan lang ng simpleng pangarap. Di naman dapat malalalim o malalaki palagi. That’s important, of course, pero for your sanity, maybe it’s more pragmatic and healthful to dream smaller yet meaningful dreams.

Sabi nga nila, life is what you make it. Same with creating new dreams when you’re lonely at the top.

Image result for lonely at the top

Advertisements