VP Robredough on Dutertae’s ‘incompetent’ remark

by Sankage Steno

Sankage Steno: Incompetent daw po kayo sabi ni Panggulong Dutertae.

Very Prudent Robredough: Nabasa ko nga sa balita. Hindi na ‘ko nagulat. Kilala mo naman ang panggulo natin. Minsan talaga nakakapagsabi siya ng hindi maganda lalo na kapag di s’ya nakapag-patch ng fentanyl sa umaga.

SS: A, ganu’n po ba? Kaya pala. E ano naman po ang reaksyon n’yo sa sinabi n’yang incompetent nga raw kayo?

VPR: Alam mo, Sankage, ayoko na talagang patulan ang mga patamang ito ng ating panggulo. Kasi nga, alam naman nating kulang s’ya sa pagmamahal noong lumalaki pa lang. Bukod pa riyan, minolestiya s’ya ng pari noon. Marami talagang personal demons na hindi pa naka-conquer itong ating panggulo.

SS: So, sang-ayon po ba kayo o di sang-ayon sa sinabi n’ya?

VPR: Para sa akin, malinaw naman kung sino ang nagtatrabaho nang totoo at husto. Kung ako ang tatanungin, mas naniniwala akong ang incompetent ay iyong nangakong tatapusin ang krimen at droga in 3 to 6 months pero di naman nagawa. Ang incompetent ay iyong nagsabing lulutasin daw ang problema sa MRT at sa lumalalang trapiko sa Metro Manila pero di naman nagawa. Ang incompetent ay iyong nagsabing gagawin daw niyang P15 kada kilo ang bigas pero P60 per kilo na ngayon.

At maituturing din na incompetent ang nangakong magke-jet ski raw s’ya sa West Philippine Sea para protektahan ang teritoryo natin laban sa mananakop, pero s’ya pa ‘tong nangunguna sa pag-eestima sa mga Tsino. Ginawa na ngang tambayan ng eroplano ng China ‘yung airport sa Davow, di ba? Para sa akin, ang taong iyon talaga ang tunay na incompetent.

SS: So, sinasabi n’yo po ba, VP Robredough, na ang tunay na incompetent ay si Panggulong Dutertae?

VPR: Sankage, hindi sa akin nanggaling iyan. Kahit ulit-ulitin mo pang pakinggan ang recording nito, wala kang madidinig na sinabi ko ang sinabi mo tungkol sa kung sino ang tunay na incompetent. Wala akong pangalang binitawan.

SS: Oo nga po, pero base po sa mga halimbawang binitawan ninyo, para pong pinatatamaan n’yo si Dutertae.

VPR: Halimbawa lang naman ang mga binigay ko. Nasa sa iyo na ‘yon kung sino ang paniniwalaan mo. Kung ang ating panggulo ang nakikita mong angkop sa mga halimbawang sinabi ko, opinyon mo ‘yon. Ang sa akin lang, basta nagtatrabaho tayo nang matapat at mahusay, kahit pa kakarampot lang ang ating budget, hindi tayo incompetent. Hindi po talaga.

Ang incompetent ay iyong bilyon-bilyon ang pondo pero wala namang problemang nasosolusyonan. Sa halip, kabaligtaran pa nga ang nangyayari. Lalo pang lumalala ang kriminalidad, ang korapsyon, ang trapiko, ang pagbulusok ng piso, ang pagbagsak ng ekonomiya, ang pagtaas ng unemployment, at ang pagtaas ng mga bilihin, pamasahe, kuryente at iba pang serbisyo.

SS: Okay po. Malinaw po. Huling tanong na lang po, VP Robredough. Ano po ang dapat na gawin ng isang taong incompetent para maging competent s’ya?

VPR: Napakagandang tanong, Sankage. Para sa akin, simple lang naman ang kailangang gawin para maging competent ka kung sa tingin mo ay incompetent ka. Una at higit sa lahat, dapat mo munang tanggapin sa iyong sarili na incompetent ka. Dahil kung di mo tanggap o hindi mo alam sa iyong sarili na incompetent kang tao o pinuno ng ating bansa, hindi ka magiging competent kahit ano pang gawin mo. Aminin mo muna dapat sa iyong sarili na incompetent ka.

SS: Mahusay po. Napakahusay na sagot. Sige po. Maraming salamat po, VP Robredough.

VPR: Walang anuman. Salamat din sa pagkakataong ito na makapag-usap tayo. Sana sa susunod nating pagkikita, sa Malacanang na tayo magkakakuwentuhan.

End of Transcription

Advertisements