Duterterorismo

by Sankage Steno

Habang nagluluksa ako sa pagkawala ng aso kong si Raffy, patuloy naman ang panggigipit ng administrasyong Duterte sa mga lumad sa Lianga, Surigao del Sur, partikular na sa mga Manobo. Humigit-kumulang 1,600 na Manobo na ang lumikas mula sa kanilang tirahan sa kabundukan para makalayo sa mga pulis at sundalong nanggugulo sa kanilang lugar.

Litrato ni Becky Padilla Marquez.

Hindi ito ang unang beses na pinahirapan at ginipit ang mga kapatid nating Manobo.

Matatandaan noong Setyembre 2015, panahon pa ni P-Noy, pinaulanan ng bala ng mga miyembro ng AFP paramilitary group sina Dionel Campos, Juvello Sinzo at Belen Itallo sa harap mismo ng ibang lumad. Sa parehong araw, pinatay din sa loob ng classroom si Emerito Samarca, executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development o ALCADEV.

Litrato ni Becky Padilla Marquez.

Walang malinaw na dahilan kung bakit ginigipit ng mga sundalo at pulis natin ang mga walang-laban na mga lumad. Pinapalabas nila na kuta raw ng mga komunista ang kabundukan ng Mindanao (bagay na dinadahilan nila panahon pa ni Marcos) at doon din daw namumugad ang ilang kalaban ng gobyerno.

Pero sa totoo lang, hindi malayong pinaglalawayan ng gobyerno at ilang negosyante ang mayayamang bundok ng Surigao del Sur. Ang panggigipit na ‘to ay paraan ng mga nasa kapangyarihan para pakinabangan ang likas na yaman ng bansa para sa kanilang sarili. Para makapagmina sila sa mga bundok doon.

Image result for manobo alcadev bulatlat

Ano’t ano pa man ang tunay na dahilan, hindi dapat gamitan ng puwersa ang mga Manobong tahimik na namumuhay sa Lianga. Hindi sila mayayaman. Hindi sila nakaupo sa ginto o nakatira sa mansyon. Ni hindi nga sila naaabot madalas ng serbisyo ng gobyerno, tapos gaganituhin pa sila?

Ang mas masakit, hinaharang pa araw ngayon ng AFP at PNP ang mga relief goods mula sa mga Pilipinong gustong tumulong sa mga Manobo. Tahasang panggagago at pang-aabuso na ito ng ating pamahalaan. Hindi pupwedeng basta ka na lang manahimik sa ganitong sitwasyon. Katatapos lang ng gulo sa Marawi, tapos ito naman ngayon?

Kaawa-awang Mindanao. Kaawa-awang mga Pilipino. Sumosobra na ang gobyernong ito. #EndMartialLawInMindanao #Duterterorismo #Dutertyranny

Litrato ni Becky Padilla Marquez.

Advertisements