I kill you!

by Sankage Steno

Edi ayun nga, nagpa-seminar ako sa public school teachers sa amin tungkol sa news, editorial at column writing. Nakakatuwa kasi andu’n ‘yung mga dati kong guro sa elementary at high school, so parang naging mini reunion na rin namin ‘yung event.

Okay na sana ang lahat. Gamay na gamay ko ‘yung topic. Kahit walang Powerpoint presentation, maituturo ko s’ya. Kahit anong tanong, masasagot ko. Kaso, na-disturb ako sa isang lalaking guro na nakaupo sa bandang harapan. As in 45 degrees lang s’ya, about two feet away from me.

Nakasuot s’ya ng puting polo barong at slacks na pantalon. Kayumanggi ang balat n’ya at mukhang nasa 40s na ang edad. Ang kina-disturb ko lang sa kanya e ‘yung tingin n’ya sa ‘kin habang nagle-lecture ako na para bang gusto n’ya kong sunggaban o katayin o saksakin. Parang ganito s’ya kung makatingin:

Related image

Feeling ko, hindi n’ya gusto ‘yung mga opinyon na sinasabi ko. Ang ginawa ko kasi, para mas madaling ituro ‘yung techniques sa pagsusulat, nagbigay ako ng examples. At ‘yung mga halimbawang ibinigay ko e nakuha ko sa Inquirer at Rappler. Nagsama rin ako ng ilang mga naisulat ko na sa dyaryo before.

E di ba, ‘yung mga balita ngayon, puro di pabor kay Duterte? Lumalabas na puro negative lahat. Feeling ko, Duterte supporter ‘yung lalaking ‘yon. Sobrang sama talaga ng tingin n’ya sa ‘kin kahapon. Sa sobrang sama, naalala ko sa kanya si Achmed the Dead Terrorist.

Image result for achmed the dead terrorist

Tawagin na lang din nating Achmed si sir. Parang ganito ‘yung naging takbo ng seminar ko kahapon:

Steno: I wrote this opinion for Inquirer in 2016 right after Duterte won the presidency.

Sir Achmed: <Tingin nang masama>

Steno: When the article came out, I received death threats and a lot of ad hominem attacks from paid trolls and other Duterte supporters.

Sir Achmed: <Lalong sumama ang tingin sa akin>

Steno: The title of my opinion article is My god, I hate Duterte.

Audience: Hahaha!

Sir Achmed: SILENCE!

Steno: To all Duterte fanatics who forgot to pay their brain bill, I give you my consent to put your oral orifice on my posterior.

Audience: Hahaha!

Sir Achmed: I KILL YOU!

Ayun, tinapos ko na agad ‘yung pagbabasa ko ng article at baka patayin talaga ako si Sir Achmed. Alam mo, kung totoong nakakamatay ‘yung titig ni sir, baka pinaglalamayan na ‘ko ngayon. Buti na lang at hanggang titig lang ang kaya n’yang gawin.

Hanggang ngayon talaga e palaisipan pa rin sa ‘kin kung bakit ganu’n s’ya makatingin. Siguro by default e ganu’n na ang kanyang tingin. Parang resting bitch face. ‘Yung kay Sir Achmed, resting I-KILL-YOU face, ganyan. Katakot! Minsan talaga dapat kong gwardyahan ‘yung mga sinasabi ko sa public e.

Or maybe not.

Litrato ni Steno Padilla.

Advertisements