Sa piling ng mga rosas

by Sankage Steno

Image result for butterfly black

Paruparo kang palipat-lipat
ng madadapuang bulaklak—
minsan champaca o sampagita,
minsan gumamela o chichirica.

Kakampi mo ang hangin
sa pakikiulayaw
sa mga puno’t halaman.

Hindi mo pinalalampas
ang bawat yuming natatanaw.

Sa iyong mga pakpak
higit na mababakas
ang maliligayang danas
sa piling ng mga rosas.

Mula umaga hanggang
tanghali, mapakikinggan
ang soneto sa iyong lipad.

Sa pagsapit ng dapithapon,
tahanan mo ang aking dahon.

Advertisements