Salot na Bakla

by Sankage Steno

Nakakatawa lang ‘no? Habang nag-e-effort akong magsulat ng magagandang kuwento at tula para pagandahin ang imahe ng mga bakla, habang pinapabuti ko ang aking kakayahan at sariling buhay bilang isang out na bakla, bigla namang sasambulat ‘tong video ni Drew Olivar at Mocha Uson tungkol sa #Pepedederalismo.

Wala. Sira na naman ang reputasyon naming mga bakla.

By the way, kayo na po ang bahalang umaway sa bobitang babaeng involved sa nasabing video. Ako na po ang bahalang umaway sa baklang ‘to.

Nauwi na naman kami sa pagiging comic relief (kung relief ngang matatawag ‘yung kababuyang [paumanhin sa mga baboy] ginawa ni Olivar) at kendeng-kendeng na maiingay na vagina-envious na nilalang. For sure, sangkatutak na memes na naman ang mabubuo gamit ang video na ‘yan.

Pero I don’t really care about the memes. Ang inaalala ko talaga e ‘yung tatatak sa isip ng mga taong nakapanood at makakapanood ng bullshit na video na ‘yon. It’s supposed to be educational, di ba? Kagaguhan. E di ngayon ang iisipin ng mga tao, puro kabastusan lang ang alam naming mga bakla? Puro pagpapatawa lang?

I mean, yeah, I have a pretty good sense of humor, at masayahin akong tao, I believe, pero ‘yung mga videong katulad ng kay Olivar ang nagpapalala ng stereotypes sa aming mga bakla. And there’s nothing funny about stereotypical images ng mga bakla. Nakakawala ng respeto sa sarili.

Imagine ha, ‘yung buong buhay ko halos, nakatuon sa pagpapakita sa ibang tao na ang mga bakla, hindi lang sa parlor makikita, hindi lang sa comedy bar, hindi lang ‘yung maiingay at pakendeng-kendeng (although maingay at kumekendeng din naman ako minsan, and that’s nothing to be ashamed of), na diverse kami tulad din ng maraming heterosexual sa mundo na may iba’t ibang personality, profession, beliefs at background.

And then this.

Ang pangit na nga ng dance steps, ang pangit na nga ng boses, ang bastos-bastos na nga niya sa isang napakaseryosong topic, ang bobo-bobo at ang arte-arte pa n’yang magbasa. Ano ‘to, grade 3 lang ang natapos, tapos ipapaubaya n’yo sa kanya/kanila ‘yung pagtuturo sa taumbayan tungkol sa pederalismo?

Taena lang, di ba?

Gusto ko talagang manuntok ngayon e. Gusto kong umbagin ‘tong baklang ‘to. Pero syempre di ko naman gagawin ‘yon dahil lalong sasama ang imahe naming mga bakla. Kainis! ‘Wag lang talagang magkakamaling dumaan ‘yang Olivar na ‘yan sa kanto namin. ‘Wag na ‘wag talaga. Kundi, nakow! Dadagdagan ko butas n’ya sa katawan.

Charot lang. Peace advocate po talaga ako in real life. ‘Wag po nating sasaktan si Drew Olivar (at si Mocha na rin) kahit pa deserve nilang sapakin at tadyakan nang paulit-ulit. Tutulan na lang po natin ‘yung planong pederalismo sa ating bansa dahil hilaw pa ito at hindi pa handa ang ating mga lalawigan para dito.

Advertisements