G kita

by Sankage Steno

Gusto kita
tulad ng sinindihang mitsa
sa tatlong-dikit na dinamita;

Tulad ng idinurang bala
ng baril patama sa pirata;

Tulad ng pinakawalang pana
at sa dibdib ay tumama;

Tulad ng rumagasang baha
sa kalsadang paibaba;

Tulad ng gumuhong lupa
sa sitiong kaawa-awa.

Gusto kita
sa paraang kahit ikapatid pa
ng huli nating hininga.

Advertisements