Angat Pinoy

by Sankage Steno

Totoo namang mahuhusay ‘yung mga Pilipino kahit saang larangan pa ‘yan, hindi lang sa pagkanta o sa boxing. Maraming beses ko nang na-witness ‘to sa mga conference na pinuntahan ko sa Singapore, Myanmar at, etong huli nga, sa Indonesia.

Kung talino ang pag-uusapan, kayang-kayang makipagsabayan ng mga doktor at guro natin sa ibang bansa, lalo na ‘yung mga mayayaman at mas progresibo kumpara sa Pilipinas. Kulang lang tayo sa kagamitan, pero kung kaalaman lang din ang labanan, baka nga mas matatalino pa ‘yung professionals natin.

At mas masisipag!

Halimbawa na lang sa Surabaya, Indonesia, nu’ng nag-cover ako ng conference last week. Dalawang symposium na Pinoy ang nag-talk ang napuntahan ko. Pareho silang gamay na gamay ‘yung topic, ‘yung tipong hindi binabasa ‘yung nasa presentation nila. Expert kung expert talaga. Malinaw at mahusay ang pagkakabigay ng impormasyon.

Di tulad ng ibang nationalities na bukod sa hirap na ngang mag-English e binabasa lang ‘yung nakasulat sa Powerpoint nila. Sobrang nakakaantok. Walang kalatoy-latoy. Sana ibinigay na lang nila sa audience yung kopya ng presentation. At kung ako ang prof nila sa school, bagsak sila sa reporting.

Duh! No. 1 rule ‘yan sa presentation: Iwasang basahin verbatim ang nasa PPT.

Syempre di ako nagpatalo. Mahuhusay din kaya ang mga journalist na Pilipino. Reporter na, photographer pa! Mapa-English o Filipino ang medium, yakang-yaka. Ehem. At kahit di ko expertise ‘yung topic sa conference, nagawa kong makipagsabayan sa mga mas matatalino sa akin. Ano bang alam ko sa Medicine, di ba?

Marami, apparently. Hahaha!

Nakakalungkot lang talaga na hindi nabibigyan ng pagkakataong umunlad ang maraming professionals sa bansa dahil sa kakulangan ng oportunidad at dahil sa incompetence ng ating gobyerno. We do not deserve our government. Talagang we deserve better from our public servants.

Eto ha? Nu’ng pauwi na ‘ko galing sa Surabaya, nakalapag ‘yung eroplano namin sa NAIA on time. Pero hindi kami agad nakababa dahil na-delay ‘yung flight ng isang eroplano at nag-overstay sa bay na nakalaan sa amin. Nu’n namang nakaalis na ‘yung plane at naka-park na kami sa bay, hindi naman kami makalabas dahil sira daw yung bridge na nagko-connect sa arrival area.

Taena lang, di ba?

Sabi ko nga sa sarili ko, “Hay, welcome to Manila.” Sarcastically, syempre. Nakaka-miss ang ingay at saya ng Pilipinas, pero sobrang nakakalungkot kapag ganito ang sitwasyon ng ating mga pampublikong kagamitan at serbisyo. Sayang na sayang ‘yung tax na binabayad natin. Sayang na sayang din ‘yung talino at kakayahan ng marami sa atin.

Kaya di ko rin masisisi kung bakit maraming Pinoy ang umaalis ng bansa. Nakakalungkot. Sana talaga mabago natin ang kalagayang ito sa lalong madaling panahon. Tulungan mo ‘kong magawa ‘to.

Advertisements