Isang ideya lang

by Sankage Steno

May silbi na naman ang buhay ko ngayon dahil nakaisip na naman ako ng bagong ideya para sa susunod kong nobela. Ibig sabihin nito, madadagdagan pa lalo ‘yung ka-busy-han ko at magkakasakit na naman ako sa sobrang pagod. ‘Wag naman sana. Huhu.

Ang galing lang, bigla-biglang sumusulpot ‘yung mga ideas. Parang multo o tiyanak, ganyan. Parang si Undin sa inodoro. ‘Yung tipong nakaupo ka lang at tumatae, tapos biglang TING! May idea ka na. Hahaha! Pero hindi ko naman naisip ‘to habang nagbabawas. Almost. Lol.

Siguro naisip ko ‘to dahil ginusto at pinilit ko ring magkaroon ng bagong paksa para sa isusulat kong kuwento. Siguro dahil na rin sa sunud-sunod na creative projects ko tulad ng poetry workshop ko noong isang buwan saka ‘yung pakikisalamuha ko sa mga kapwa-manunulat at makata.

Pero feeling ko, malaking bagay din ‘yung paggawa ko ng ibang bagay e. Tulad na lang ng paulit-ulit kong pakikinig sa mga kanta ng Panic! At The Disco ngayon (kasi magko-concert sila sa Manila sa October at wala na ‘kong mabiling ticket. Takte ‘yan.) at paulit-ulit na panonood ng sayaw ng The Peepz sa World Hip Hop Championship 2018.

Eto ‘yung link, panoorin mo

Sobrang nakaka-inspire ‘pag nakakanood, nakakapakinig, nakakabasa o nakakaranas ka ng magagandang bagay, lalo na ‘yung mahusay ang pagkakagawa. Anlakas makainggit, pero anlakas ding makaengganyong gumawa ng magagandang likha. Kaya, ayun, nakaisip ako ng magandang idea.

‘Yun nga lang, ideya pa lang s’ya. Hindi pa buo. Hindi pa ganap. Sabi ko nga, matinding pagod (at hirap) na naman ang dadanasin ko para maisakatuparan ang ideyang ito. Alam ko namang kaya ko. Natatakot lang ako sa mangyayari sa katawan ko. Hirap kasi akong tumigil sa isang project ‘pag nasimulan ko na.

E motto ko pa naman in life e “I don’t stop when I’m tired. I stop when I’m done.”

Taray, ‘no? Ganyan ‘yung sagot dapat sa job interview kapag tinanong ka ng HR kung ano ang ipinagkaiba mo sa ibang aplikante o kung ano ang maiaambag mo sa kumpanya. For sure, tanggap ka na kapag sinabi mo ‘yan with umph! Hahaha!

Anyway, dami kong kuda. Going back, so ayun, may bago akong ideya. Kaso lang, hindi ko pwedeng i-share pa rito kasi baka manakaw ng ibang writer o artist na tamad mag-isip. Huy! Galaw-galaw din ‘pag me time. ‘Wag mong hintayin ‘yung inspiration na dumating. Ipilit mo, iire mo. Push! Lels.

I just wish hindi ako magkasakit. Health is wealth talaga, mga mumshie. Pero kailangan ko nang simulan ‘tong bago kong project sa lalong madaling panahon bago pa mawala ‘yung spark of genius ko. Kumbakit naman kasi pa-spark-spark lang ‘yung pagka-genius ko, pwede namang combustion para tuluy-tuloy.

Oh wait, combustion. Me naisip na naman akong ideya. Tula naman. Yehey! Hahaha! Thank you, Self. You’re so amazing! ❤

Image result for idea spark

Advertisements