ngayon

by Sankage Steno

mayroon bang ngayon sa santinakpang maya’t maya’y lumalawak
at nagpapakasasa sa paglikha at paglipol ng mga talang
nag-aalab, mga buntalang nalulumbay, mga buwang naghihintay
at mga bulalakaw na naghahasik ng pag-asang pumupuksa
sa hinagpis ng sangkatauhang uhaw sa inuming nagbibigay-buhay
sapagkat kahulugan itong akala sa alpha at omega ng pag-iral
na sagana sa walang saysay, walang laman, walang pakialam, oo
hindi, malay natin baka bukas o sa susunod na araw ay pumarito
ang mesiyas, ang kaliwanagan, ang nirvana, ang mga birheng
pangako ng nag-iisa, tatatluhin o dose-dosenang banal, anghel
diyos na kung bakit sa bilyung-bilyong bato sa sansinukob
ay dito pa napiling manatili upang ipabatid ang tungkol
sa kani-kaniyang luwalhating pangako kahit pa sa katanuyan
ang kasalukuyang danas ay kathang-isip, gawa-gawa at lipas na

Advertisements