Tarot reading tungkol sa love life

by Sankage Steno

Nu’ng nasa Caliraya ako nitong nagdaang weekend, nagpabasa ako ng tarot card sa isa kong officemate na marunong bumasa. Sobrang na-amaze ako kasi lahat ng readings n’ya, swak na swak sa current na nangyayari sa buhay ko ngayon. Prior to this, nagpabasa rin ako sa isa ko pang kaibigan at almost same sila ng sinabi.

Ang sabi nila, ang dami raw bagay na nangyayari sa buhay ko o andami-daming gusto kong mangyari, na kailangan ko raw mag-focus. Medyo nalilito lang ako kasi focused naman akong tao, pero di ko talaga alam kung ano ‘yung ibig nilang sabihin sa maging focused pa ako.

Ano ‘yon, mag-focus lang ako sa isang talent? Sa isang opportunity? Sa isang plano? Di ko gets. Ayoko namang mag-focus sa isa lang kung alam kong marami akong kayang gawin, di ba? It’s a waste of my talent. Sayang.

Anyway, sabi pa, creative daw ako at ine-establish ko raw ‘yung sarili ko ngayon sa kung anuman ‘yung plano ko sa hinaharap. Totoo naman, pero that could be true as well for anybody. Pero ang pinakanagustuhan kong sinabi sa ‘kin ng officemate ko e ‘yung pagiging generous ko raw o mapagbigay.

Totoo ‘to. Bigla ko tuloy naalala ‘yung mga “ex” ko. I mean, hindi ko sila ginagastusan like a sugar daddy, pero sobrang generous ako pagdating sa time, attention at sa occasional gifts. Kahit naman sa mga kaibigan ko at sa aking pamilya, mapagbigay ako. Pero di ko naman binibigay lahat. ‘Yung tama lang.

Sa dinami-rami ng sinabi sa ‘kin ng kaopisina kong tarot reader, wala s’yang nabanggit tungkol sa aking love life. So, nu’ng question and answer portion na, tinanong ko s’ya, “Wala kang sinabi about my love life. Magkakaroon ba ‘ko ng love life?”

Vague ‘yung sagot n’ya. Du’n pa lang, medyo na-sad na ‘ko.

Nakuha ko ‘yung “The Lovers” na card, so sabi n’ya, meron. Pero! Kasama ng card na ‘yon e ‘yung “Death” saka isa pang di ko na maalala. Sabi ni officemate, meron naman pero meron ding pumipigil either sa part ko o sa part ng gusto kong lalaki. Kinonfirm ko naman ‘to sa kaopisina ko, pero s’yempre di ko na idedetalye rito.

Ang sabi ko na lang, “Thank you so much. Sobrang natuwa ako sa reading mo sa ‘ken.”

Sa totoo lang kasi, di ko sure kung love life ang kailangan ko sa buhay ngayon. O kung magiging mas maligaya pa ‘ko sa buhay kung magkaka-love life ako. Kase kung lalo lang akong maii-stress o kung masisira lang ‘yung takbo ng buhay ko sa ngayon at mababawasan ‘yung pagtawa ko sa araw-araw, ‘wag na lang MUNA.

Masaya naman ako, saka nakakatawa ako nang hindi pilit o pretend lang. Kung magkaka-love life ako, sana ‘yung makakadagdag sa totoong tawa ko, hindi ‘yung makakabawas lalo sa pagtulog ko. Ansarap-sarap kayang tumawa. Nakakapatay pa ng cancer cells. 😀

Image result for tarot the lovers the death

Advertisements