To all the boys I’ve *toot* before

by Sankage Steno

Hindi naman dahil sa napagbigyan ko kayo noon e pagbibigyan ko ulit kayo. Wala naman sa usapang maya’t maya ko kayong pagbibigyan kung kailan ninyo maibigan. Wala rin naman akong pinirmahang kontrata, sa papel man o sa puso, na nagsasabing ekslusibo tayo. Walang gano’n.

Dapat nga matuwa kayo dahil pinagbigyan ko kayo. Hindi pa ba sapat ang isang beses? Kailangan ba talagang paulit-ulit? Aba matinde. Di pa kayo pasalamat. Ako nga, sa totoo lang, kahit pagod ako o wala sa mood, pinagbigyan ko pa rin kayo. May natanggap ba ‘kong “thank you” o “salamat” mula sa inyo?

Wala.

Nag-demand ba ‘kong pasalamatan ninyo? Kinulit ko ba kayo? Pinagpilitan at pinagsisikan ko ba ang sarili ko sa inyo? Hindi naman, di ba? O, e bakit ipinagpipilitan at ipinagsisiksikan ninyo ang inyong sarili sa akin? Wala ba kayong sariling buhay? Wala ba kayong ibang pinagkakaabalahan?

Ako lang ba ang lalaki sa mundo?

Alam n’yo, mga parekoy, mahina ang kalaban. I can only do so much. At kahit pa kaya ko naman kayong pagbigyan maya’t maya, aba, e hindi naman maaari ‘yon dahil may iba akong pinagkakaabalahan. May trabaho ako. May mga kaibigan. May pamilya. May mga proyektong dapat tapusin. Ang dami-dami kong ginagawa.

Buti nga at naisisingit ko pa kayo sa busy kong schedule. Ganu’n po ako ka-generous sa inyo. Ewan ko ba kung bakit di n’yo makita ‘yon. Siguro kasalanan ko rin kasi di ko ginawang obvious? Dahil di ko nilinaw sa umpisa na hindi porke pinagbigyan ay makakaulit? Iyon siguro ang mali ko.

Saka sa totoo lang, medyo nababawasan na ‘ko ng interes sa ganyang mga bagay. Sign of aging siguro. Parang mas gusto ko na ulit ngayon ‘yung malaliman. ‘Yung makahulugan. ‘Yung marubdob. ‘Yung kagila-gilalas. Parang gusto ko nang layasan ‘yung panandalian. ‘Yung mabilisan. ‘Yung any-any lang. ‘Yung walang meaning.

Choice ko naman ‘yon, di ba?

Kaya siguro dapat gawin n’yo ring choice na ‘wag masyadong umasa sa kabaitan ko. O ‘wag na kayo talagang umasang makakaulit pa sa ‘kin. Tama na ang minsan. Tama na ‘yung nagkrus ang landas natin kahit panandalian lang. There’s poetry in that, di ba? It’s beautiful. Try to look at it that way. Tapusin na natin ‘to.

Du’n na ‘ko sa seryosohan ulit. 😉

Image result for blurred porn

Advertisements