Balik Bohol Boo-boo

by Sankage Steno

Nine years ago, ipinadala ako ng editor ko sa Inquirer sa Bohol para i-cover ang project ng Department of Tourism kasama ang mga estudyante ng La Consolacion. Iyon ang unang assignment ko as a journalist, at iyon din ang unang pagkakataong nakalabas ako ng isla ng Luzon. Ergo, first time ko ring sumakay ng eroplano.

Naalala ko pa nu’ng isa akong broke college student sa UP, pangarap ko talagang makalabas ng Luzon. Nakapunta na naman ako ng Corregidor noong kumuha ako ng GE na Geography, pero politically, part pa rin s’ya ng Luzon. Kaya naman sobrang tuwa at sobrang pasasalamat ko nang bigyan ako ng assignment sa Bohol.

Ang nakakatuwa pa, trabaho ‘yung pagpunta ko sa napakagandang isla na ito, pero parang hindi. Kasi nga, nag-tour ako kasama ng mga Tourism student sa lahat ng pwedeng puntahan sa Bohol. Tapos may sarili pa ‘kong kuwarto sa Bohol Beach Club na, kung tama ang pagkakatanda ko, P25,000/night lang naman ang rate noon!

So, ano, junket ito. Lol! Trabaho ‘to. Sinuklian ko ng magandang article at seryosohang legwork ang binayad sa “tour” ko. Saka, syempre, I needed to impress my editor kasi nga sa dinami-rami ng pwedeng bigyan ng assignment, ako pa ang pinili n’ya. E super baguhan lang ako noon. Kinakabahan pa ‘ko kapag nagtatanong sa source ko.

E ngayon, jusko, ang kapal na ng mukha kong magtatanong kahit kanino, kahit pa sobrang taas ng posisyon n’ya sa gobyerno o anywhere, at kahit pa may kakayahan s’yang ipapatay ako o ibagsak ang “career” ko. Nakakatawa lang ang pag-level up ko sa pakikitungo sa ibang tao. Nakakatakot din, in a way. Pero kebs na lang.

So after almost a decade, nakabalik na naman ako sa Bohol. Trabaho pa rin naman, pero para ulit hinde. Kasi nga, nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Nakakapagod, oo, especially dagdag work ito sa normal load ko ng pagsusulat, pag-e-edit at pananaliksik ng mga balita. Pero ayos lang. Walang reklamo. Masaya ako e. Aarte pa ba?

Ta’s biglang may aberya ngayong araw. Ang dapat sanang lecture na pagho-hostan ko tonight, naiba. Bukas na raw. E ‘yung speaker namin, ngayong araw lang available. So contingency plan na, crisis management. Ang nangyari, ako na ngayon ang magho-host at magbibigay ng talk sa mga guests. Hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang final topic. Buti ng lang kamo at may naka-ready akong presentation sa laptop.

So, ayun, we somehow turned the crisis into an opportunity para makapagpasikat ako. It’s my sole purpose in life nga, di ba? Ang magpasikat. Hahaha! So nagpapasalamat ako dahil napasama ako sa adventure na ito. Pampakulay lalo sa kuwento ng aking buhay. Salamat po! ❤

Image result for be grand hotel bohol

Advertisements