Habang masaya pa

by Sankage Steno

Akala ko makakapagpahinga ako ngayong araw matapos ang sunud-sunod kong hell week. Di pala. Ang dami pa ring dapat gawin, dapat paghandaan, dapat tapusin at dapat isulat. Grabe ang 2018, ha. Last year, nagsusulat lang ako kasi masaya ako kapag nagsusulat. Ngayon, masaya pa rin naman, pero may added pressure.

Maliban nga du’n sa ginagawa kong pagsusulat sa trabaho, syempre, meron din akong personal projects na ginagawa on the side. Ayoko naman kasing puro trabaho lang ang laman ng buhay ko. Saka sayang din ‘yung mga “raket” na ‘to. Makakadagdag din sa pag-iipon ko.

Kumbakit naman kasi pataas nang pataas ang presyo ng mga bagay-bagay. Bwiset.

Anyway, ang schedule ko dapat ngayong araw ay magsulat lang ng isang tula o isang maikling kuwento. Naisip ko, kuwento na lang dahil malapit na ang deadline ng isa sa mga proyekto ko. Ang nangyari, me dumagdag na namang deadline na di ko inaasahan. Di naman ako tumanggi dahil sayang at saka mukhang makakatulong sa ‘kin.

So naantala ‘yung pagsusulat ko ng maikling kuwento dahil sa added pressure. I had to channel my inner Janina San Miguel na naman to handle the pressure right naw. Because my pamili… howmaygahd! Ahahaha!

Ayun, so kailangan ko na namang magsulat nang paspasan. Not that it’s new to me. Lagi naman akong may deadline sa work, at araw-araw pa s’ya, mind you. Balita kasi ‘yon so dapat daily grind.

Medyo nagwo-worry lang ako kasi napapadalas nga ang sakit ng ulo ko. Baka magka-tumor na ‘ko sa utak. Lol. Tapos lagi rin akong kulang sa tulog. Tapos, tapos… wala lang. OA ko. Hahaha! Nagse-self pity pa rin kahit 31 na? Arte ko. Wuw! Biro lang. I’m feeling okay. #NoRest4TheBest

Ang worry ko talaga ay baka masobrahan ako sa pagsusulat. Parang ‘yung nangyari sa tatay ni Soma sa Shokugeki na sa sobrang husay, nawalan ng ganang magluto. Nawala ‘yung spark o ‘yung motivation dahil, wala, nilamon ng pressure. Hindi ko naman sinasabing super husay ko na, pero the pressure is slowly but surely getting stronger.

Kaya, ang ginagawa kong, tinatanong ko ang sarili ko: Bakit ba ako nagsusulat?

Para sa bayan? Para sa ekonomiya? Para sa kasikatan? Para sa salapi? Para sa karera? Para sa mga pinaglalaban ko sa buhay? Oo, tama rin naman. Lahat ‘yan e kasama sa motibasyon ko. Pero ang tunay na sagot, ang puno’t dulo ng lahat, kung bakit ako nagsusulat ay simple lang naman…

Dahil masaya ako kapag nagsusulat.

Image result for pagsusulat

Advertisements