Luz Valdez sa Palanca

by Sankage Steno

Grabe, talo na naman ako sa Palanca this year. Kahit dinamihan ko ‘yung entries na pinasa, olats pa rin. Hindi ko talaga makuha-kuha ‘yung kiliti ng mga hurado.

Dahil d’yan, parurusahan ko ulit ‘yung sarili ko.

Ang tanga-tanga ko kasi. Sinabi nang third person ang gamitin sa maikling kuwento, ginawa ko pang first person. Bobo! Sinabi na kasing ‘wag mag-code switching at purong Filipino lang ang gamitin kahit sa dialogue, nag-code switching pa rin. Gago! Sinabi na kasing i-edit-edit-edit, ta’s dalawang edit lang ginawa ko. Buti nga sa ‘kin!

Mamaya, lalatiguhin ko ‘yung sarili ko habang nakaluhod sa munggo. Tapos hindi ako kakain ng hapunan ng isang linggo para puro sulat lang ang gagawin ko. Bawal na rin akong kumain ng matatamis tulad ng chocolate, ice cream, cake, donut at kung anu-ano pang nilalafang ko kapag name-mental block.

I deserve to be punished for not winning the Palanca for the nth time. And I will punish myself for failing again. I’m sooooo inferior.

At para masigurado ko ang pagkapanalo sa susunod na taon, sisimulan ko na ang pagsusulat ngayong linggo. Titigil muna ako sa paghahanap ng pansariling kaligayahan o ng pag-ibig. Magpo-focus muna ako sa pagsusulat ng mga kuwento at tula hanggang sa deadline ng 69th Palanca Awards.

Sana naman palarin na ‘ko next year dahil pang-69 na s’ya, and it’s a very auspicious number. Impak, third favorite number ko s’ya after 21 and 1. ‘Wag mo nang itanong kung bakit. Go figure.

Kapag hindi pa rin ako nanalo next year, mas pahihirapan ko pa ‘yung sarili ko.

Hindi na ‘ko kakain at hindi na rin ako makikipag-sex. Kahit masturbation ipagbabawal ko na sa sarili ko. Ang gagawin ko na lang buong araw ay magsulat, magsulat, magsulat. Kahit sa pag-ihi at pagtae, dapat nagsusulat pa rin ako sa isip. Kapag nahinto ako sa pagsusulat, lalaslasan ko yung braso ko. At kapag napuno na ng sugat ‘yung balat ko, papatakan ko naman ng kalamansi.

I must use all the pain in my body to create something worthy of Palanca, because Palanca is life. At hindi ka writer kung wala kang Palanca. Charot! Kailangan ko lang talaga ng pera kaya gusto kong manalo. 😀

Image result for palanca awards

Advertisements