Banyuhay

by Sankage Steno

Dinampot ko
ang naghihingalong
paruparo
sa gilid
ng daan.

Pagdating
sa paroroonan
natapos
ang siklo
ng pagbabagong-anyo.

Ang pamana
kulay na walang kupas.

Ang tulang ito ay pinukaw ng tula ni Abel Cribe na may katulad na pamagat.

Advertisements