Kagabi

by Sankage Steno

naisulat ko
ang pinakamahusay
na sanaysay

tungkol sa buhay
ng aking Itay.

Kanina,

panay ang punas
sa mukha
habang binabasa ko
ang naisulat

sa kanyang lamay.

 

Advertisements