Respeto 101: Paano bang magbigay-galang?

by Sankage Steno

Tumanggap na naman ako ng interview sa mga estudyanteng nagti-thesis. Nahihirapan talaga akong tumanggi sa kanila dahil alam ko ‘yung hirap ng pagri-research at pagsusulat ng thesis na ‘yan. Alam ko rin kung ga’no kahirap humanap at magpapayag ng interview. Kaya hangga’t maaari, basta kaya ng sked ko, pumapayag ako. Never pa yata akong tumanggi, as far as I can recall.

Ang hindi ko lang gusto sa mga humihingi ng pabor na makapanayam ako e yung pamamaraan nila ng pagpapaalam: chat.

Juskolourd. Wala ba kayong alam sa proper etiquette? Sa common courtesy? Sa standard operating procedure? Hindi ba kayo naturuang gumalang sa ibang tao kapag may hihingin kayong pabor? Hindi ba ninyo alam na ang chat o Messenger ay hindi formal venue o forum para sa mga dagdag-trabahong pang-aabala n’yo?

Ayos lang namang makipag-chat kung hihingin n’yo ang e-mail address ng taong gusto n’yong ma-interview. Ayos lang ‘yon. Sa e-mail n’yo dapat ipadaan ang sulat at o request n’yo para mas pormal at mas mukhang seryoso kayo sa kagustuhan n’yong makapanayam ang taong ‘yon. Again, e-mail/letter is the proper forum for your requests.

Isa pa, hindi tayo close para makipag-usap kayo sa ‘kin sa chat nang ganu’n kadali. Mahiya naman kayo sa balat n’yo. Crush n’yo nga di n’yo ma-chat-chat, tapos ‘yung isang stranger pa na may authority, na mas matanda sa inyo at di n’yo naman kaano-ano, bigla-bigla n’yo na lang kakausapin?

Ang kapal, besh. Nata-touch hanggang dito sa Makati ang fezlak moi.

Another thing, kapag nakikipag-usap kayo at humihingi ng pabor, show some modesty naman. Hindi ‘yung parang utang na loob ko pa na magpa-interview sa inyo. Huwag naman yung parang nakikipag-usap ka lang sa kapatid mo o sa kaibigan. Again, hindi tayo close. Practice shy confidence. Be modest in your tone.

Ang hirap kasi sa mga students ngayon, porke may social media, akala nila, ka-close na ang lahat. Na dahil within reach na ang almost kahit na sino, pwedeng-pwede na nilang kausapin, i-tag, i-chat, etc, etc. Akala mo kung sinong biyaya ng diyos sa sangkatauhan. Hoy, kahit si Jesus ka pa, matuto kang magpakumbaba sa pakikipag-usap.

Eto pa. Ipagbigay-alam n’yo rin kung pa’no n’yo natunton ang personal space/address/contact ko, kasi ambastos-bastos na basta na lang kayo mang-iinvade ng time and space ko. I know I’m pretty sikat, pero common courtesy naman. Inform the person kung pa’no n’yo s’ya nakilala o natagpuan. Respeto naman.

At pwede ba, huwag sa araw ng Linggo. Maygahd! Araw ng pahinga ‘yon. Walang pasok. Walang trabaho. ‘Wag kayong mambubulahaw ng tao kapag namamahinga. Ang bastos lang po. Ilagay n’yo naman ‘yung sarili n’yo sa kalagayan ng ibang tao.

Pa’no kung kayo ‘yung hihingan ng pabor? Gusto n’yo kahit araw ng pahinga n’yo may nagri-request pa rin ng work from you? Gusto n’yo inaabala kayo habang natutulog, naglalaro, nanonood o basta nagchi-chill lang?

Kaunting delicadeza naman po. Tablan po kayo ng hiya.

Golden rule is: respect begets respect. Kung gusto n’yong pagbigyan kayo sa HILING ninyo, maging magalang. ‘Wag bastos. ‘Wag feeling close. Tandaan n’yo na kayo ang humihingi ng pabor, at hindi obligasyon ng kahit na sino na pagbigyan kayo porke nagti-thesis kayo. Kayo ang nang-aabala, kayo ang mag-adjust. Nagkakaintindihan ba tayo?

Image result for interview

Advertisements