Forever 21

by Sankage Steno

Nahuli ako nung officemate ko na tumatawang mag-isa sa desk ko. Nakatakip pa yung mga kamay ko sa bibig at talagang pigil na pigil yung tawa. Ayoko kasing makaabala sa iba, saka nahihiya ako ‘pag ako lang mag-isa yung tumatawa. Baka isipin nila baliw ako gaya nu’ng pangulo natin. Well, in a way I’m a crazy person, but not mad like you-know-who.

“Hoy, Stephen,” sabi ng kaopisina ko. “Laughing at your desk. Papatokhang kita.”

Natawa ako lalo, although alam ko namang hindi dapat gawing biro ang Tokhang dahil ang daming Pilipinong napatay dahil d’yan. Anyway, this blog post is not about politics. Di ko lang talaga maiwasang pasukan ng commentary. Pardon me. Ang punto ko talaga ay yung pagtawa ko nang mag-isa.

Alam mo kase, feeling ko, kaya ako mukang bata e kase, lagi akong tumatawa. (Salamat sa mga napapanood at nababasa kong post sa Facebook.) Opkors, malaking bagay din yung namana kong genes sa mga magulang ko, but that’s for another blog post. Saka hindi naman makakatulong sa reader ko na gustong magmukhang bata kung genes ang tatalakayin ko.

Buti nga medyo nabawasan na yung pagkaseryoso ko sa buhay e. Nu’ng kabataan ko, sobrang serious ako sa school. Hindi ako yung class clown. Pero nung nag-high school na at nakaklase ko na yung mga nonpilot students, du’n ako nag-start na maging maharot at palabiro (at palaaway). Du’n na rin ako nagsimulang tumawa sa maliliit na bagay.

Tapos nalaman ko pa recently na hindi lang pala kasabihan yung laughter is the best medicine. Totoo pala s’ya, mumshie. Alam mo kase, kapag tumatawa tayo, naa-activate yung NK cells natin. NK stands for natural killer. Isa s’yang uri ng lymphocyte (white blood cell) na nakakatulong para labanan ang impeksyon sa katawan, pati na rin yung mga cancer cells.

O, di ba? After millions of years of evolution, nagawa ng katawan natin na bumuo ng sariling depensa sa napakaraming sakit, including cancer. At napakasimple lang ng pag-activate: tawa.

Saka di ba nga? Kapag tumatawa ka, nakakawala ng stress. E stress pa naman ang trigger ng napakaraming sakit sa katawan. At syempre kung laging stressed ang katawan o utak, madali kang mapapagod. Madali kang malolosyang. Madali kang tatanda. So ang number one at pinakamurang panlaban sa stress ay tawa.

Pero di ko lang sure kung lahat ng klase ng tawa ay nakaka-activate ng NK cells. Kasi may tawang pilit, may tawang nang-aasar, may evil laughter, may tawang pang-showbiz o acting lang, may tawang nakakaubos ng hininga. Tinatamad akong mag-research about it kasi di pa tapos yung work ko, so GMG na lang.

So, ayun, ‘yan ang isa kong secret sa pagiging Forever 21-looking. Di naman scientifically proven ‘yan so ‘wag n’yo kong isa-cite sa research n’yo. Please do proper legwork, goodness. Hula ko lang naman ‘to, saka wala namang masama kung tatawa ka araw-araw. Saya kaya.

P.S. Sana ‘yung magiging boyfriend ko madaling patawanin, para lagi kaming tatawa hanggang mangulubot balat namin. Hahaha!

Related image

Advertisements