#Steno2040: Ang Paghahanda

by Sankage Steno

Iniisip ko na lang talaga na paghahanda para sa aking kampanya sa 2040 ang gagawin ko sa susunod na tatlo o apat na araw. Sa trabaho ko talaga ito. Well, technically, hindi. Hindi s’ya part ng talagang ginagawa ko sa opisina araw-araw. Dagdag lang. Tinanggap ko na rin dahil nakakaawa naman sila. Baka ako pa ang lumabas na masama. Charot!

Bukas, ika-26 ng Nobyembre, pupunta akong Tagum City. Pero dahil walang flight na diretso doon, sa Davao City ako lilipad. Ang problema, walang flight ng umaga sa Davao kapag Lunes. Lahat sa hapon o gabi pa. E gabi ‘yung iko-cover kong event, so malaking problema.

Ang ginawa ko na lang, sinabihan ko ‘yung officemate ko na sa Butuan City ako paliparin ng Monday morning. From there, magba-bus na lang ako ng ANIM NA ORAS papuntang Tagum City. Haggard, pero no choice.

Sa susunod na araw naman, ika-27 ng Nobyembre, kailangan kong pumunta ng Dumaguete City para sa susunod na iko-cover ko. Ang problema, walang direct flight pa-Dumaguete from Davao City o Butuan o Tagum o kahit saang lungsod sa Mindanao. Kaya tanginang pahirapan na naman ang gagawin ko.

Bale ganito ang mangyayari, ideally kung walang aberya. From Tagum, gigising ako ng 4 AM para mag-bus nang dalawang oras paputang Davao City. From Davao, lilipad ako papuntang Cebu City. From Cebu City, lilipad ako papuntang Dumaguete. Ang saya, di ba? Para talaga akong nangangampanya. But wait, there’s more!

Ang potangines na agency na nag-book ng lipad ko, nakalimutan ‘yung Cebu-Dumaguete na connecting flight. Kaya isang malaking gudlak talaga sa ‘kin sa Martes. ‘Pag hindi ito naayos ng office o ng agency, humanda talaga sila sa akin pagbalik ko. Hinding-hindi ko sila tatantanan!

Tapos, sa Miyerkules, ika-28 ng Nobyembre, pupunta naman ako ng Bacolod City para sa huling iko-cover ko. So from Dumaguete (kung makakarating man ako do’n), magbu-bus ako ng ANIM NA ORAS papunta sa Land of Inasal. Lupaypay na lupaypay na ‘ko nito for sure. Baka isinusuka ko na ang pag-travel kahit love ko s’ya talaga.

BUT WAIT, THERE’S MORE!

Dahil nga dagdag na trabaho lang ‘to sa ‘kin, ibig sabihin, may regular tasks pa rin ako: ‘yun ngang ginagawa ko araw-araw sa office. Kaya ang nangyari, nag-advance ako ng trabaho at mga sulatin ng TATLONG ARAW para lang hindi ako maka-miss sa quota ko. Tangina lang, di ba?

Ang tanong: Bakit ko kasi tinanggap?

Well, unang-una, tumanggi na ‘ko. Nahiya na ‘kong tumanggi ulit. Pangalawa, kulang nga talaga sa manpower ang opisina. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ayaw nilang mag-hira at kung bakit tanggap sila nang tanggap ng load sa client na hindi naman kayang i-meet pa ang demand. Pangatlo, walang pangatlo. Siguro gusto ko lang ding gawin ito para wala silang masabi sa ‘kin.

O para may masabi ako sa kanila kung sakalaing may masabi sila sa ‘kin in the future.

Ayun, gudlak sa ‘kin sa darating na linggo. Buti na lang at long weekend next week. At least makakapagpahinga ako kahit konti. Or maybe not. Kailangan ko pang magsulat ng nobela at mga tula. Saka kasal ng kapatid ko sa Sabado. Ibig sabihin, #NoRest4TheBest

Image result for Flight philippines

Advertisements