Sankage Steno

Ganun talaga.

I want answers, Mommy Divine

Image result for sarah matteo

Hindi ko gusto si Matteo kay Sarah G. dahil DDS s’ya, pero basta masaya si Sarah, push lang. Go go go! Makikisawsaw lang ako saglit sa issue ng kasalang #AshMat dahil parang gusto kong kampihan si Mommy Divine.

Parang hindi ko kasi matanggap na mas mahal ni Divine ang pera kesa sa kanyang anak. Sinong magulang ang ayaw lumigaya ang anak n’ya, di ba? Saka hindi naman ibig sabihin na kapag nagpakasal ang anak mo e hindi ka na aabutan ng pera o maghihirap ka na nang tuluyan. I don’t think ganu’n si Sarah sa mom n’ya. So what gives?

Sinusubukan ko talagang intindihin ang motivations ni Divine kung bakit tutol s’ya sa kasal ng anak n’ya at, in a way, kung bakit tutol siyang lumigaya si Sarah. I don’t want to believe na pera lang talaga ang nag-uudyok sa kanya para gawin ang mga bagay na ‘to. Pakiramdam ko, may mga alam siya na, syempre, hindi alam ng madlang pipol.

Nanay ka e. Malamang mas kilala mo ang anak mo.

Saka, come to think of it, sa kabila ng lahat, never nag-bad mouth si Sarah sa kanyang mommy. Kahanga-hanga s’ya sa part na ‘yon talaga. Pero kung ibang anak ‘yan, baka nagrebelde na. So bakit hindi nagrerebelde si Sarah? Bakit tahimik siya sa kabila ng lahat ng “pagmamalupit” sa kanya ng magulang n’ya?

Kung ako kasi ang magulang, gugustuhin kong lumigaya ang aking anak. At kahit suwayin ako nito, susuportahan ko pa rin s’ya sa huli. Hindi ko matitiis ang anak ko, at lalong hindi ko s’ya ipagpapalit sa pera. Baka nga ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo para lang mabigyan ng maganda at masayang buhay ang anak ko.

But that’s me. E si Mommy Divine?

Feeling ko talaga may alam s’ya kay Sarah o kay Matteo na hindi alam ng publiko. Kung ano man iyon, s’ya lang ang nakakaalam, at si Sarah.

Hindi ko kasi gusto na nagiging kontrabida sa kwentong ito si Divine (kahit totoo namang kontrabida s’ya sa kaligayahan ng anak n’ya), pero never na sinalbahe ni Sarah ang nanay n’ya kahit kayang-kaya n’ya anytime. Mayaman s’ya. Kaya n’ya talagang bumukod at magrebelde dahil nasa katuwiran naman s’ya. So bakit?

Baka in denial pa ‘ko. Baka talagang masama lang si Mommy Divine at nabulag na ng salapi. Pero hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ng isang ina ‘yon sa kanyang anak. Maliban na lamang kung nabaliw na s’ya o hindi n’ya tunay na anak si Sarah.

Palaban pero marupok

Marupok din naman akong tao, just like everybody else when it comes to matters of the heart, pero kaya kong magmatigas kung kinakailangan. Kapag ang isang lalake sa buhay ko ay toxic na at hindi na nakakabuti sa aking puso, isip at katawan, dumidistansya na ‘ko nang kusa. Pero may mga pagkakataong kahit anong gawin kong iwas o paglayo ay may mga puwersa sa kalikasan na nagpipilit na ibalik ako sa landas ng “pag-ibig.”

Hindi lang kasi ako habulin ng mga babae o mga lalake at mga bakla, habulin din ako ng Tadhana (o kung anuman ang gusto mong itawag sa invisible force na ‘yun). I’ll give you five instances in my life to prove my point:

My Amnesia Boy

May naka-date at live in ako noon na may mild amnesia. ‘Yun ang distinguishing characteristic n’ya bukod sa guwapo, smart, at sexy. Christian din s’ya, at kahit atheist ako, sumasama ako sa church service nila para lang makipaglandian. Nagho-holding hands kami habang nagse-service bago umuwi sa bahay niya pagkatapos.

Long story short, hindi nag-work out ang relationship dahil marami s’yang ibang “sidelines.” So I quit. Hindi ko na s’ya kinausap. In-unfriend ko na rin s’ya sa Facebook. But after 3 long years of absence, totally nakalimutan ko na s’ya, out of the blue, of all places, of all times, nagkita kami sa airport ng alas-kuwatro ng madaling araw.

Bigla-bigla na lang, nu’ng nasa departure area na ‘ko at bibili sana ng kape, may tumawag from behind.

“Hey! Excuse me…”

Di ko pinansin.

“Hey!”

Paglingon ko, boom! Si Amnesia Boy.

Hindi naman ako nagpaka-bitch. Nag-usap kami, kuwentuhan. Nilibre ko s’ya ng almusal sa Seattles Best. Tapos nanood kami ng ‘Keele and Peele’ sa cellphone n’ya habang magka-share sa headset n’ya. It was sweet. Pero naghiwalay din kami dahil naunang umalis ‘yung eroplano n’ya. But what an experience!

My Marijuana Boy

Meron din akong naka-sort of date na medyo adik-adik. Nag-fall ako sa kanya kasi matalino s’ya, independent, at cute din naman. Kaso nga lang, maraming red flags, and one of it is ‘yung mga dubious connections n’ya in life, like ‘yung source n’ya ng marijuana na iniregalo n’ya sa ‘kin nu’ng birthday ko dahil alam n’yang di ko pa ‘yun nata-try noon.

How sweet.

Long story short, I realized na “straight” pala s’ya. Nag-girlfriend si koya mo. All this time tine-test lang pala n’ya ang kanyang masculinity sa akin dahil alam n’yang out akong bakla. This happens all the time sa akin. Nagiging tester ng pagkalalaki ng mga confused na “lalake.” So funny.

Anyway, so lumayo ako. Hindi ko na s’ya chinat o tinext. In-unfriend ko na rin s’ya sa Facebook. But lo and behold, nu’ng minsang pauwi na ‘ko galing work, nu’ng pinili kong dumaan sa SM bago sumakay ng bus, pagkababa na pagkababa ko ng escalator, boom! Andu’n s’ya sa baba at nagkasalubong kami.

Ang ending, nag-dinner kami pareho. For a short time medyo nagkaayos kami, pero hindi rin talaga nag-work.

My Office Boy

May naka-date din akong katrabaho years ago. Cute s’ya at matalino, kaso nalaman kong DDS pala at Marcos apologist. Pero binigyan ko pa rin ng chance.

Wrong move.

Long story short, pinormahan ko s’ya, the works, sundo at hatid sa work, lunch out. Pero s’ya na rin ‘yung biglang umayaw. Natakot siguro sa “panliligaw” ko. So nag-unfriendan kami. Biglang dedma sa office at lahat ng typical na iwasan na mapapanood mo sa movies ng Star Cinema.

Eventually, nag-resign s’ya. So better. Talagang tapos na. But lo and behold, isang hapon, nu’ng naglalakad ako pauwi from our new office, boom! Nakasalubong ko s’ya sa Ayala Triangle. Nakakatawa.

Pero di ko na s’ya pinansin o ni-recognize kahit alam namin sa isa’t isa na nagkatinginan kami at nagkakilalanan ng mukha sa dami ng mga taong naroon.

My High School Boy

Meron din akong long time crush sa high school na hindi ako nakaamin dahil hindi pa ‘ko out. So kinimkim ko ‘yung feelings ko hanggang maka-graduate, mag-college at magkatrabaho. Totally e nakalimutan ko na s’ya, pati ‘yung damdamin ko sa kanya noon.

But lo and behold, nu’ng minsang naglalakad ako palabas ng subdivision namin sa probinsya para sumakay ng tricycle, boom! Nakita ko s’ya sa kanto. E hindi naman s’ya tagadu’n sa barangay namin.

Tapos, one time, chinat n’ya ‘ko sa Facebook at nagsabi na may io-offer daw. Kinagat ko naman. Pumunta pa sa bahay ko at ipinaghanda ko ng cake. Pota talaga ako. Sobrang rupok. Anyway, long story short, inofferan lang n’ya ‘ko ng insurance.

Hindi ako kumuha.

My Emo Boy

May isang lalaki na na-in love ako unti-unti dahil, ewan ko ba, bigla-bigla na lang n’ya ‘kong tinext, nagparamdan kahit matagal na kaming di nag-uusap, at nag-share ng mga kadramahan n’ya sa buhay. I misinterpreted the outpouring of emotions as his outpouring of feelings towards me.

Long story short, bago pa ‘ko mahulog nang tuluyan sa kanya dahil alam kong straight s’ya at babae ang hanap, dumistansya na ‘ko. In-unfriend ko s’ya sa Facebook after n’yang di siputin ‘yung mga lakad na s’ya ang nagyaya. Hindi na rin n’ya ‘ko tinext o kinausap pa after that. So good.

But lo and behold, nu’ng isang gabi na papunta akong BGC para mag-jogging o bumili ng makakain (di ko na maalala), boom! Nakita ko s’yang tumatawid papunta sa bangketa kung sa’n ako nakatayo. Ayun, no choice ako kundi batiin s’ya at makipag-ayos muli. Napakarupok ko talaga.

Pero hindi pa du’n natatapos ang kuwento. Naging friends kami ulit. Ganu’n pa rin s’ya, madalas mag-share ng kadramahan sa buhay. Lagi akong chinachat ng kung anu-ano. Nagsasabi ng mga problema at reklamo sa buhay. In short, para akong jowa n’ya na supportive sa lahat ng emo stuff n’ya sa buhay.

Ako naman, super guarded sa feelings dahil lalaki ito, albeit the emotional type, at alam kong kaibigan lang talaga kami. But you can only hold so much. I gave in. Pero syempre hindi ako umamin o nagpakita ng motibo. Nanatili lang akong friend while slowly e lumalayo at dumidistansya. A respectable distance, ika nga.

But lo and behold again, nagkalapit bigla ‘yung work namin. At kahit anong iwas ko, nakakasalubong ko s’ya sa Ayala o sa kinakainan ko kapag lunch o sa nilalakaran ko kapag tanghali. Sobrang serendipitous lang ang mga eksena palagi.

Ergo, hinayaan ko na lang. Naisip ko, sa dinami-rami ng mga pangyayari sa buhay ko involving these boys na iniiwasan ko, laging nakakahanap ng paraan si Tadhana upang pagkitain kaming muli. Pinaglalaruan talaga n’ya ‘yung feelings ko. Pota. Tinatawanan ko na lang ngayon kahit masakit s’ya o mabigat sa damdamin. Wala e, no choice.

That’s life. It really doesn’t give a fuck about our feelings.

Tanggap ko na rin naman ang mga bagay-bagay sa mga lalaking ito na dumaan at, paminsan-minsan, e dumadaan ulit sa buhay ko para magpatibok ng puso kong dormant na. Happy rin naman kung tutuusin. Aarte pa ba ako? Saka wala naman akong laban sa Tadhana. Anong panama ko d’un? I’m only human.

Maybe sometimes love, or at the very least its liminal presence, doesn’t have to be reciprocated or acted upon. Maybe it just needs to be felt, if only to remind us that there are forces in this world bigger than our ego… or ourselves.

Image result for sotus

Tatlong pangarap

Image result for steno padilla

Isa lang talaga ang pangarap ko simula noong grade 3 pa lang ako: ang maging kauna-unahang ladlad na baklang pangulo ng Pilipinas. Syempre, pangarap ko ring gawing first-world status ang bansa natin. Pangarap ko pa rin s’ya hanggang ngayon.

Nakuha ko ‘tong ambisyon na ‘to sa araw-araw na panonood ng balita sa TV. Naisip ko noong bata pa ‘ko, “Andami-dami namang problema sa bansa. Ayusin ko nga.” I was so naive. And I’m still naive today for thinking that I can do something to improve living conditions in the country. Kahit papa’no, sa kabila ng mga pinagdaanan ko, hindi pa rin nawawala ang aking pagiging idealistic.

Thank goodness.

Pero bago ko pa pangaraping maging pangulo, ang hilig ko talaga noon ay pagguhit. At some point in my early life years, pinangarap ko ring maging painter. Pero ‘yun nga, hindi s’ya nagtagal dahil napalitan ng pangarap kong maging pangulo ng bansa. At dahil hindi ko na napa-practice ang pagguhit, eventually, nawala na rin ‘yung ‘talent’ ko doon.

Nagsimula lang akong magsulat noong 2nd year high school, o katumbas ng grade 8 ngayon. Maganda ‘yung handwriting ko, pero ampangit-pangit kong magsulat pa ng kahit ano. Nag-try out ako sa school newspaper para sa added extra-curricular points, pero hindi ako natanggap dahil pangit nga akong magsulat.

Ang ginawa ko, binasa ko ‘yung sinulat ng valedictorian namin. Ayun, gamit ang aking sharingan, ginaya ko ‘yung style n’ya. I realized, magaling pala akong manggaya. Charot! Fast learner ako. So from there, nag-improve nang kaunti ang aking writing skills. At nang matapos ang high school, ako na ang best essayist sa school, if not sa province.

Impak, nanalo ako sa isang national essay writing contest, at tinalo ko ‘yung mga tumalo sa akin in the past. Mahilig talaga akong gumanti. Hahaha!

From there, nagtuluy-tuloy na ‘yung pagsusulat ko hanggang sa makapasa ako ng kursong journalism sa UP Diliman. Actually, dalawa silang choice ko sa UP. Ang isa pa ay Business Administration and Accountancy. Buti na lang sa journ ako nauwi.

Even then, ang purpose ko talaga sa pagkuha ng journalism ay hindi upang maging mahusay na writer o journalist. Sabi ko sa sarili ko, stepping stone ko lang s’ya para sa pangarap kong maging pangulo ng Pilipinas. Until now, may part pa rin sa ‘kin na ganu’n ang plano sa buhay. But, you know, life doesn’t give a shit about our plans.

Nagsusulat pa rin naman ako hanggang ngayon, and I’m loving it more and more each day. From journalism, nag-branch out na rin ako sa fiction at poetry. Nakapag-workshop na ‘ko for short story and poems. Nanalo na rin ako ng dalawang award para sa mga naisulat kong nobela. Kahit papa’no, may validation na ‘ko na kaya kong magsulat.

Pero di ko pa rin sure kung mapa-publish ‘yung libro.

Anyway, ayos lang naman kung hindi. I know makakapaglabas din ako ng sarili kong aklat sa hinaharap. Ang hindi ko lang tiyak e kung magiging pangulo nga ako ng Pilipinas. Habang lumalaon kasi e nare-realize ko na napakahirap matupad ng pangarap ko. Wala akong pera. Wala akong malalaking koneksyon. Hindi ako nagmula sa political na clan. Ang meron lang ako e ‘yung kagustuhan kong mapaunlad ang bansa.

So for now, isusulat ko na lang muna s’ya. Matagal-tagal pa naman ang deadline ko para sa sarili. #Steno2040