Mabuti nang Takot

Syempre hindi naman ako natutuwa talaga, hano. Pero somehow thankful ako na hindi sa Maynila tumama ang sentro ng bagyong Yolanda. Ayoko namang matuwa na Visayas ang tinamaan dahil kakatapos lang ng lindol sa Bohol at Cebu, tapos eto naman ngayon.

Natatakot ako na baka sa sunud-sunod na disaster na ‘to e magkaroon ng donor fatigue gaya nang nangyari noong panahon ni Cory Aquino. Sunud-sunod din kasi ang disasters noon. Una, lindol, then sumabog ang Mt. Pinatubo, tapos finale ang isang malakas na bagyo. Ayun, nagsawa tuloy sa pagbigay ng tulong ang international community.

Ganu’n ba talaga kapag Aquino ang nakaupo? Kambal-sakuna?

Nagtatanong lang. Hindi naman sa nag-a-assume ako. In fairness naman sa administrasyon ngayon, medyo natuto na sa mga dating sakuna. Mas handa na ngayon kumpara sa Ondoy noon. What if sa Metro Manila nagkasunod ‘yung lindol at bagyo?

Nagtatanong lang. Hindi ako humihiling.

Napansin ko lang ngayon na konti pa lang ang nauulat na namatay. As of this writing, tatlo pa lang daw ang nabiktima ni Yolanda, pero for sure e tataas pa ito. Not that I’m wishing for it. Ganu’n lang talaga ang trend statistically.

Hindi man natupad ang pangarap nating zero casualty, ayos na rin namang hindi pa ganu’n kataas ang bilang ng mga nasawi. Sana hindi na tumaas pa. Kung posible, sana bumaba. Sana mali lang ‘yung nagbilang. Suntok sa buwan, I know, pero not totally impossible.

Kailangan pala siguro talaga tinatakot nang husto ‘yung mga tao para makalikas agad at maghanda nang husto. Nag-overprepare ang karamihan dahil sa napabalitang super typhoon. Idagdag mo pa ‘yung ulat mula sa foreign news outfits na strongest typhoon in the world daw ‘tong si Yolanda.

Sa sobrang takot ng mga tao, pati nga rito sa Metro Manila e marami ang nagsuspinde ng pasok sa paaralan at sa opisina. OA nga for me e, pero better safe than sorry. Effective talaga minsan sa mga tao ang takutin para mapasunod.

Is that also the reason kung bakit maraming umiidolo kay megalomaniac Marcos?